7 sugatan, P6M pinsala sa bagyong Egay
Pito katao ang nasugatan habang mahigit P6 milyong halaga ng pinsala ang naitala dahil sa mga insidenteng dulot ng bagyong “Egay,” ayon sa mga awtoridad.
Naiulat ang mga sugatan sa Ilocos region, kung saan nagdulot ng malawakang pagbaha at storm surge ang bagyo, sabi ni Superintendent Marlon Paiste, tagapagsalita ng regional police.
Kabilang sa mga sugatan ang isang pulis na kabilang sa mga nagsagawa ng rescue operation, aniya.
“Records revealed that six civilians incurred injuries due to the typhoon while one police personnel was wounded during the conduct of rescue operation in Brgy Biday, City of San Fernando, La Union,” sabi ni Paiste sa isang kalatas.
Ayon naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, mahigit P6 milyong halaga ng pananim, palaisdaan, at imprastraktura ang nasira at halos 50,000 katao ang naapektuhan ng bagyo.(Hazel Morada, Levi Mora)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.