Malaki ang posibilidad na maging bagyo ang binabantayang low pressure area ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Kahapon ang LPA ay nasa layong 500 kilometro sa silangan ng Legaspi City. Posibleng maging tropical depression na ito ngayong araw dahil sa pagbaba ng atmospheric pressure at paglakas ng serkulasyon nito.
Kung magiging bagyo ay tatawagin itong Egay. Inaasahan na mananalasa ito sa Bicol region at Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending