John Lloyd: Sayang, naniwala kasi kaming maraming naghahanap ng ganitong uri ng Pelikula! | Bandera

John Lloyd: Sayang, naniwala kasi kaming maraming naghahanap ng ganitong uri ng Pelikula!

Ervin Santiago - June 28, 2015 - 02:00 AM

john lloyd cruz

INAMIN ni John Lloyd Cruz na sobrang nanghinayang siya sa hindi pagkakapasok ng pelikula niyang “Con Man” (dating Honor Thy Father) sa magic 8 ng 2015 Metro Manila Film Festival.

Ayon kay John Lloyd naniniwala sila ng kanyang direktor na si Erik Matti na maraming Pinoy ang tiyak na makaka-appreciate sa klase ng pelikula tulad ng “Con Man”.

“Sayang kasi parang naniwala talaga kami. Naniwala kami na mayroong naghahanap ng ganitong klase ng pelikula sa ganu’ng panahon, sa MMFF season,” sey ni Lloydie nang makausap namin at ng iba pang miyembro ng entertainment press na dumalaw sa taping ng ginawa niyang episode sa Maalaala Mo Kaya sa Morong, Bataan na ipinalabas na kagabi.

Ayon sa pamunuan ng MMFF, nasa ikasiyam na pwesto ang movie ni John Lloyd, ibig sabihin kapag may isang entry sa magic 8 na nag-backout sa labanan o hindi umabot sa deadline, ang movie nila ang ipapalit.

Pero sey ni Lloydie, nirerespeto nila ang desisyon ng screening committee, “Malayo kasi siya sa tema ng criteria na mayroon ang committee ng MMFF and we respect that. Siyempre, hindi naman kami ang committee, sila ang committee so, they get to decide.”

Hirit pa ni John Lloyd, “Nanghihinayang lang kami kasi we really want the story to be out there para mapanood ng maraming tao. But then again, going back to their criteria, we did not make it. We just move on.”

Ang walong entries sa MMFF 2015 ay ang sumusunod: “Beauty and the Bestie” nina Vice Ganda at Coco Martin; “Death and Senses” starring Rayver Cruz; “Haunted Mansion” ni Janella Salvador; “Hermano Puli” ni Aljur Abrenica; “Mr. and Mrs. Split” na pagbibidahan nina Kris Aquino at Herbert Bautista; “Nilalang” nina Robin Padilla at Japanese porn star Maria Ozawa; “Rom-comin Mo Ako” nina Vic Sotto at Ai Ai delas Alas; at “Walang Forever” nina Jennylyn Mercado at JM de Guzman.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending