Red Lions sisimulan ang ika-6 title hunt | Bandera

Red Lions sisimulan ang ika-6 title hunt

Mike Lee - June 27, 2015 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
12 n.n. Opening Ceremony
1 p.m. San Beda vs Mapua
3 p.m. Jose Rizal vs Arellano

SISIMULAN ngayon ng San Beda College ang paghahabol sa ikaanim na titulo sa paglarga ng 91st NCAA men’s basketball sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa ganap na ala-1 ng hapon magsisimula ang kampanya ng Red Lions laban sa host Mapua bago sundan ng pagkikita ng Arellano University at Jose Rizal University dakong alas-3 ng hapon.

Tinalo ng San Beda ang Arellano sa titulo noong nakaraang taon para palawigin sa limang sunod ang pagdodomina sa 10-koponang liga.

Wala na si San Bedacoach Boyet Fernandez pero siya ay pinalitan ng mahusay ring coach na si Jamike Jarin na gagawin ang lahat para madugtungan ang winning streak.

Nasa koponan pa ang mga beteranong sina Baser Amer, Ola Adeogun at Arthur dela Cruz ngunit may iniindang shoulder injury si Amer at posibleng mawala sa loob ng tatlong linggo.

Ang bagay na ito ay pilit na sasamantalahin ng Cardinals na lalakas sa pagbabalik nina Josan Nimes at Mark Brana.

May sentro na rin sila sa katauhan ng dayuhang si Allwell Oraeme upang mamuro na makasilat sa laro.

Pangungunahan naman ang Chiefs ng mahusay na guard na si Jiovani Jalalon bukod sa Rookie of the Year noong nakaraang season na American cager Dioncee Holts para bigyan ng magandang panimula ang paghahabol ng tropa ni Arellano coach Jerry Codiñera na makabalik sa finals sa taong ito.

Ang opening ceremony ay magsisimula sa ganap na alas-12 ng tanghali at ang makulay na pagtatanghal ay pagniningningin pa sa pagbibigay-pugay ng pamunuan ng liga sa mga manlalaro na nakasama sa pambansang koponan sa 28th Southeast Asian Games sa Singapore.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending