Magkaka-anak na ba ngayong 2015? (2) | Bandera

Magkaka-anak na ba ngayong 2015? (2)

Joseph Greenfield - June 27, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Edralyn Calumpang,  General Santos City
Problema:
1. Nakikita rin ba sa kapalaran ng isang tao kung kailan siya magkaka-anak o mabubuntis? Kasi almost five years na kaming nagsasama ng live-in partner ko pero hanggang ngayon wala pa rin kaming baby. Masipag naman kaming gumawa at nagawa na namin halos ang lahat ng mga paraang ina-advice ng mga friend namin, pero until now bigo pa rin kaming makabuo.
2. Kaya sana sa tulong mo Sir Greenfield ay magka-baby na rin kami. Ano sa palagay mo, mabubuntis o magkaka-anak na kaya kami ngayong taong ito ng 2015? June 11, 1984 ang birthday ko.
Umaasa,
Edralyn ng General Santos City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Gemini (Illustration 1.) ang nagsasabing upang mas madaling magka-anak, piling magsiping tuwing sasapit ang New Moon o kaya’y Full Moon itong buwan sa kalangitan.
Numerology:
Ang birth date mong 11 ay nagsasabing bukod sa nabanggit panahon New Moon o kaya’y Full Moon ang buwan, o Kabilugan ng buwan, isa alang-alang din sa pagtatalik ang mga petsang 7, 16, 25, 5, 14, 23, 6, 15 at 30, higit lalo kung sa halip na gabi, sa araw kayong magtatalik.
Luscher Color Test:
Kailangan ding gumamit ng kulay na pula o kaya’y berde sa loob ng inyong kuwarto habang nagtatalik upang sumigla at sumilakbo ang inyong libido at mainit na pagnanasa. Habang sa hapag kainan o mesa, lagi kang mag lagay ng mga prutas o gulay na maraming buto at ito rin ang dapat mong kaining lagi upang mas madali kayong magka-baby.
Huling payo at paalala:
Edralyn mma, ayon sa iyong kapalaran, huwag kayong mainip ng ka live-in mo, sapagkat itinakda na ang magaganap, tulad ng nasabi na, sa taon ding ito ng 2015, sa buwan ng Setyembre o kaya’y Nobiyembre, isang sanggol ang kusang mabubuo sa iyong sinapupunan, upang pagsapit ng taong 2016 sa buwan ng May or June, kagaya ng inaasahan, isang malusog at cute na babaing sanggol ang isisilang na siya ring kukumpleto sa pagmamahalan at kaligayan ng inyong pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending