Binay nakabawi, performance rating umakyat ng 11% ayon sa SWS | Bandera

Binay nakabawi, performance rating umakyat ng 11% ayon sa SWS

- June 26, 2015 - 02:09 PM

MATAPOS bumulusok ng apat na beses sa mga nakaraang survey, nakabawi si Vice President Jejomar Binay sa kanyang performance rating matapos magtala ng 11 porsyentong pagtaas sa survey ng Social Weather Station nitong Hunyo.

Umakyat sa +42 ang performance rating ni Binay mula sa ilang beses na pagbaba nito mula sa pinakamataas na +73 noong Marso 2014.  Bumulusok sa pinakamababang +31 porsyento ang rating ni Binay nitong Marso matapos masangkot sa kabi-kabilang kontrobersya partikular na ang Makati City Hall Parking Building II.

Ginawa ang non-commissioned survey nitong Hunyo 5 hanggang 8 sa 1,200 respondent, at tinanong kung satisfied ba sila sa mga trabaho nina Binay,  Senate President Franklin Drilon, House Speaker Feliciano Belmonte Jr. at Chief Justice Lourdes Sereno.

Sa ilalim ng SWS terminology, excellent na maituturing kapag nakakuha ng +70 o higit pa;  very good naman kapag +50 to +69;  good kapag +30 to +49; moderate pkapag  +10 to +29; neutral kung  +9 to -9;  poor naman kapag -10 to -29;  bad -30 to -49,; very bad  -50 to -6;  -70 o mababa pa ay  execrable naman.

Bahagya namang umakyat ang rating ni Sereno, mula sa +10 noong Marso ay nasa +11 na ito.

Bumagsak naman ang rating nina Drilon at Belmonte.

Drilon’s net satisfaction rating ay bumaba sa  +29 nitong Hunyo mula sa dating +35 noong Marso; habang si Belmonte naman ay bumaba sa +9 net satisfaction rating mula sa dating +12.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending