Alaska, Globalport asinta ang semis | Bandera

Alaska, Globalport asinta ang semis

Barry Pascua - June 26, 2015 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Globalport vs Star Hotshots
7 p.m. Alaska Milk vs Barangay Ginebra

SISIKAPIN ng Globalport at Alaska Milk na makaulit sa magkahiwalay na kalaban upang makapasok kaagad sa semifinals sa pagsisimula mamaya ng quarterfinal round ng 2015 PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Makakatunggali ng Batang Pier ang defending champion Star Hotshots sa ganap na alas-4:15 ng hapon samantalang makakaharap ng Aces ang crowd-favorite Barangay Ginebra sa alas-7 ng gabi na main game.

Ang Alaska Milk at Globalport ay kapwa may twice-to-beat advantage sa quarterfinals bunga ng pagtatapos nila sa top four matapos ang 11-game elims.

Nagtabla ang Alaska Milk at San Miguel Beer sa kartang 8-3 subalit nakuha ng Aces ang No. 1 spot bunga ng win-over-the-other rule. Pumang-apat naman ang Globalport sa record na 7-4.

Ang Star Hotshots ay panglima samantalang nakamit ng Barangay Ginebra ang ikawalo at huling ticket sa quarterfinals nang maungusan ang NLEX noong Miyerkules.

Sa elimination round ay ginapi ng Alaska Milk ang Barangay Ginebra, 108-99, noong Mayo 8. Ang Aces ay pinangunahan ng import na si Romeo Travis na gumawa ng 34 puntos. Kumpleto rin ang lineup ng Aces samantalang hindi nakapaglaro ang mga higante ng Gin Kings na sina Gregory Slaughter at Japeth Aguilar na kapwa may injury sa simula ng torneo.

Gumawa ng 50 puntos ang Ginebra import na si Orlando Johnson subalit kinapos ito ng suporta sa mga locals.

Si Alaska Milk coach Alex Compton ay umaasa rin kina Calvin Abueva, Cyrus Baguio, JVee Casio, Sonny Thoss at Dondon Hontiveros.

Nakabalik na sa active duty sina Slaughter at Aguilar subalit kulang pa rin sa tao ang Gin Kings dahil nasa injured list pa sina Chris Ellis at Mark Caguioa.

Si Ginebra coach Frankie Lim ay sasandig naman kina LA Tenorio, Dorian Peña, Mac Baracael at Jayjay Helterbrand.

Naungusan naman ng Globalport at Star Hotshots, 91-89, noong Mayo 12. Noon ay si Steven Thomas pa ang import ng Batang Pier habang hinihintay nila ang pagdating ni Jarrid Famous.

Bukod kay Famous, si Globalport coach Alfredo Jarencio ay umaasa ng magandang performance buhat kina Omar Krayem, Terrence Romeo, Stanley Pringle, Ronjay Buenafe at Doug Kramer.

Gagawin ng Star Hotshots ang makakaya nito upang mapanatili ang huling korona ng Triple Crown na nabuo nito noong nakaraang season. Sa katunayan, hangad ng Hotshots na mapanalunan ang korona ng Governors’ Cup sa ikatlong sunod na season.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Star Hotshots coach Tim Cone ay umaasa kina Marqus Blakely, James Yap, Marc Pingris, Joe Devance, Peter June Simon at Mark Barroca.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending