Mahirap magkampeon ng back-to-back | Bandera

Mahirap magkampeon ng back-to-back

Barry Pascua - June 26, 2015 - 12:00 PM

GANITO na ba ang bagong ‘trend’ sa Philippine Basketball Association?

Kapag nagkampeon ang isang team sa isang conference, malamang na maaga itong magbabakasyon sa susunod na conference.

Hawa-hawa lang!

Matapos kasing magkampeon ang San Miguel Beer sa Philippine Cup, aba’y biglang nanlamya ang tropa ni coach Leovino Austria at hindi man lamang nakarating sa quarterfinals ng sumunod na torneo, ang Commissioner’s Cup.

Kasi nga ay parang naupos ang Beermen matapos na umabot sa Game Seven ang Finals showdown nila ng Alaska Milk.

Aba’y kahit na ang Alaska Milk ay nahirapan din sa Commissioner’s Cup. Pumasok nga sila sa quarterfinals subalit winalis sila ng Star Hotshots sa yugtong iyon.

Nagkampeon sa Commissioner’s Cup ang Talk ‘N Text matapos na talunin sa Game Seven ang Rain or Shine. Nag-double overtime pa nga ang Game Seven, e.

So, parang mas mahirap ang pinagdaanan ng Tropang Texters bago nakamit ang korona. Mas mahirap ang inabot ng bagong Tropang Texters coach na si Joseph Uichico bago naihatid sa tagumpay ang Tropang Texters.

Dahil dito ay nahanay siya sa listahan ng mga coaches na nakapagkampeon sa tatlong iba-ibang teams. Magugunitang nagkampeon din siya bilang head coach ng San Miguel Beer at Barangay Ginebra.

Pero tila napagod nga rin nang husto ang Tropang Texters. Kasi’y hirap na hirap sila sa elimination round ng Governors’ Cup.

At hayun nga! Dalawang playdates pa ang nalalabi ay sigurado na ang kapalaran ng Tropang Texters. Hindi sila nakarating sa quarterfinals.

Ito’y sa kabila ng pangyayaring nagtabla-tabla sila ng Meralco, Barangay Ginebra at KIA sa kartang 5-6 sa pagtatapos ng elims.

Wala namang playoffs, e. Quotient system ang pinairal upang madesisyunan ang placing.

Matapos gamitin ang quotient, pumang-pito ang Meralco at pumang-walo ang  Ginebra.

Tuluyang nalaglag ang Talk ‘N Text at KIA kasama ng NLEX at Blackwater.

Masaklap ang kapalarang sinapit ng Tropang Texters. Pero hindi naman sila ang una. Kasi nga ay nangyari na ito sa San Miguel Beer.

Ang mahirap nga lang ay sinundan pa nila ang ehemplo ng Beermen imbes na iniwasan.

Pero siguro nga, mahirap magkampeon sa PBA. Nakakapagod. At dahil doon ay nadarama ng mga manlalaro ang panlalata papasok sa susunod na conference. Drained na drained sila. Ang hirap maka-recover dahil sa  ang bilis ng schedule. Hindi ang M-W-F, e.

Biruin mong kasama pa ang Martes at Sabado.

Limang araw sa isang linggo.

Hindi talaga makapagpapahinga ng maayos ang mga players at coaches.

Siguro pagkatapos ng season na ito, tatalakayin ng mga team owners at governors kung paanong mananatiling sariwa ang mga players at coaches nila upang maging mas interesting ang paghabol ng mga koponan sa kampeonato.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung hindi ito masosolusyunan, malabo na magkaroon ng isa pang Grand Slammer sa mga susunod na seasons!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending