Davao City umangat sa panglima; sa world’s safest cities
UMANGAT ang Davao City sa panglima na pinakaligtas na lungsod sa buong mundo, mula sa dating puwesto nito na pang-siyam, ayon sa datos na ipinalabas ng crowd-sourcing survey site na Numbeo.com.
Umabot ang crime index ng Davao City sa 18.18 at may safety index na 81.82.
Ito ay mas mataas kumpara sa crime index ng lungsod na 19.31 at safety index na 80.69 mula sa nakaraang survey.
Samantala, sa pangkalahatan, may crime index ang Pilipinas na 43.11 at safety index na 56.89, ayon pa sa website.
Ang lungsod na pinamumunuan ni Mayor Rodrigo Duterte ay sumunod sa Bursa, Turkey na pang-apat na pinakaligtas na lungsod, na may 17.66 crime index at safety index na 82.34.
Nanguna naman ang Osaka, Japan sa listahan na may safety index na 84.47, sinundan ng Seoul, South Korea (83.42) at Singapore (83.36). Inquirer.net
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.