Kalat na: James kumokontra raw sa pag-aartista ni Bimby | Bandera

Kalat na: James kumokontra raw sa pag-aartista ni Bimby

Ambet Nabus - June 24, 2015 - 02:00 AM

kris aquino

Nabalitaan namin ang ginawang paglilinaw ni pareng James Yap sa Startalk hinggil sa kumalat na tsikang may tampo sa kanya ang anak na si Bimby. May mga chika kasi na kumokontra na raw ang basketball player sa pag-aartista ng anak.

Showbiz na showbiz na raw kasi ang personalidad ni Bimby, dahil na rin sa pagsama-sama nito sa kanyang mommy sa Kris TV at sa iba pang showbiz events.

Naging isyu rin among netizens ang pagiging malapit ni Bimby sa mga beking kaibigan ni Kris. Sa paliwanag naman ni James ay parang sinasabi nitong nais lang niyang gawing “balanse” ang mga bagay-bagay hinggil sa pagpapakita niya ng pagmamahal sa anak at sa paraan na pagdidisiplina niya rito.

Lumaki na nga lang ang isyu nang dahil nga sa pagiging patola ng ex-wife niyang si Kris Aquino sa isa niyang follower sa social media.

Hindi nga naman dapat laging ginagawang showbiz ang lahat ayon pa kay pareng James na very consistent sa paninindigan niyang maglaan ng kahit kaunting “privacy” sa buhay niya at ng mga mahal niya sa buhay.

In perness, natawa na lang din kami at uma-agree sa sinabi ng ilang kapatid sa panulat na usong-uso na nga ngayon sa showbiz na ang mismong mga artista na ang nagbibigay ng updates tungkol sa kanilang personal na buhay at kung anik-anik na mga kabaliwan at kababawan! Ha-hahahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending