Pagasa pormal nang idineklara ang tag-ulan
Idineklara na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Adminstration ang pagsisimula ng tag-ulan kahapon.
Pero sinabi ng PAGASA na konting ulan lamang ang ibubuhos ng panahon dahil sa El Nino phenomenon.
Tatagal umano ng tatlong buwan ang tag-ulan at hanggang 11 hanggang 16 na bagyo ang posibleng pumasok sa bansa sa nalalabing bahagi ng taon.
Inaasahan naman na tataas na ang lebel ng tubig sa mga dam na bumaba sa critical level sa mga nagdaang buwan.
Mararamdaman ang epekto ng El Nino sa Oktobre hanggang sa unang tatlong buwan ng 2016.
Kapag may bagyo, otomatikong kanselado ang klase sa preschool kapag signal no. 1.
Wala namang pasok sa elementarya at high school kapag signal no. 2 at walang pasok hanggang sa kolehiyo kapag signal no. 3.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.