John Lloyd minalas mula nang maging dyowa si Angelica | Bandera

John Lloyd minalas mula nang maging dyowa si Angelica

Cristy Fermin - June 22, 2015 - 02:00 AM

john lloyd cruz

Bakit kaya maraming kababayan natin ang hindi boto kay Angelica Panganiban para kay John Lloyd Cruz? Dapat sana’y maging maligaya na ang mga ito dahil maligaya rin ngayon ang aktres bilang karelasyon ni JLC pero bakit maraming nangdadaot kay Angelica?

Sabi ng isang kausap namin, “Napakapalengkera ni Angelica, hindi sila bagay ni John Lloyd na napakapormal na lalaki. Hihilahin niya lang si John Lloyd pababa, hahawahin niya sa pagkapalengkera niya, hindi sila bagay!”

Napakasakit nu’n para kay Angelica, pati ang personal niyang buhay ay pinanghihimasukan na ng mga kababayan natin, bakit nga ba? Sabi ng isang source, “Conceited kasi si Angelica. Sobra ang believe ng babaeng ‘yun sa sarili niya.

Kung makaasta siya, e, para bang napakatalino niya, na alam na niya ang lahat, samantalang bobita rin naman siya!”
Balitang binabagyo ang relasyon ngayon nina Angelica at John Lloyd.

May lumulutang pang kuwento na mismong mga nag-aalaga ng career ng aktor ang nagpapahiwalay sa kanya sa dalaga.
Kumakagat ang paliwanag ng isang source tungkol du’n, “Kasi nga, nararamdaman na siguro ng mga concerned kay John Lloyd na bumaba ang premium niya bilang actor mula nu’ng maging sila na ni Angelica, kaya ganu’n.

“Mag-produce sila ng movie para kina Angelica at John Lloyd, sila mismo ang makapagpapatunay, flop ang pelikula. Ganu’n kaayaw ng mga kababayan natin si Angelica para kay John Lloyd,” madiin nitong komento.
Aray ko!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending