Loveteam nina Gerald at Shaina sa Nathaniel may magic | Bandera

Loveteam nina Gerald at Shaina sa Nathaniel may magic

Ervin Santiago - June 22, 2015 - 02:00 AM

gerald anderson

IN fairness, maraming nagsasabi na bagay na bagay sina Gerald Anderson at Shaina Magdayao na napapanood sa Primetime Bida series na Nathaniel na pinagbibidahan din ng bagong child star na si Marco Masa.

Ayon sa ilang nakausap namin na tumututok sa Nathaniel, hindi imposibleng ma-develop sina Gerald at Shaina sa isa’t isa, lalo na kapag madalas na uli silang magkasama sa taping ng kanilang serye.

Nu’ng mga nakaraang linggo kasi ay halos hindi nagkikita ang mga karakter nila sa kuwento, pero ngayong nagkrus na uli ang landas nila, bilang sina Paul at Rachel, siguradong mas darami ang araw ng taping nila na magkasama.

At kapag halos araw-araw na silang nagkikita, hindi imposibleng magkagustuhan sila sa tunay na buhay. May nagkomento nga na bakit hindi raw ligawan ni Gerald si Shaina, tutal pareho naman silang single ng dalaga.

Si Shaina raw kasi ang tipo ng babaeng karelasyon na pangmatagalan, at base sa personality nito, nakikita nilang wife material din ang sister ni Vina Morales.

Imagine, pagkatapos ng relasyon ni Shaina kay John Lloyd Cruz, parang wala nang naging boyfriend si Shaina, puro tsismis lang naman ang namamagitan sa kanila ni Piolo Pascual, di ba? Kaya wala pang masasabing kapalit si Lloydie sa puso ng aktres.

At kung liligawan nga ni Gerald si Shaina, baka malaki ang pag-asa niya dahil naging close na rin sila sa Nathaniel.
Anyway, patuloy na subaybayan ang Nathaniel sa Primetime Bida ng ABS-CBN after TV Patrol, dahil maraming-marami pa raw kayong dapat abangan, lalo na ngayong unti-unti nang nagkakalapit muli sina Paul at Rachel.

Abangan din ang mga nakakalokang eksena ni Coney Reyes ngayong malapit na niyang makita ang isa pa niyang anak. At siyempre, hindi tatantanan ng kampon ng kadiliman (Leo Martinez) si Nathaniel (Marco) hangga’t hindi niya ito natatalo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending