Hindi pa rin nakakahanap ng boyfriend | Bandera

Hindi pa rin nakakahanap ng boyfriend

Joseph Greenfield - June 20, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Monique ng Balangasan District, Pagadian City
Dear Sir Greenfield,

Napasulat po ako sa inyo sa dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend, gayong matagal na po akong naghahanap ng lalaking magmamahal sa akin. Gusto ko na pong magka-boyfriend ang kaso wala naman po lalaking dumarating. Bakit kaya hindi ako ligawin at kung may manligaw man sa akin napapansin kong hindi sila seryoso. Magkaka-boyfriend din kaya sa taong ito, kung magkaka-boyfriend ako sino po siya at saan ko makikilala? July 7, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Monique ng
Pagadian City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May namataan o nakita namang malinaw na Guhit ng Pag-aasawa (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay malinaw na tanda, na sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, magkaka-boyfriend ka at pagkatapos ng mga ilang taon pang pakikipag-relasyon may isang masaya at pang habang buhay na pag-aasawang itatala sa
iyong karanasan.
Cartomancy:
Eight of Diamonds, King of Clubs at Five of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing isang lalaking halos five years ang tanda sa iyo ang magiging boyfriend mo sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Agosto.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending