Toni, Paul niregaluhan ni Kris ng Honeymoon package | Bandera

Toni, Paul niregaluhan ni Kris ng Honeymoon package

Ervin Santiago |June 16,2015
facebook
share this

Toni, Paul niregaluhan ni Kris ng Honeymoon package

Ervin Santiago - June 16, 2015 - 02:00 AM

toni wedding

SA Amanpulo sa Palawan magha-honeymoon ang bagong kasal na sina Toni Gonzaga at Paul Soriano. Kung wala nang naging problema kahapon nga lumipad patungong Palawang ang dalawa.

Matagal na raw gustong pumunta ni Toni sa nasabing isla pero ayaw daw siyang samahan ng kanyang pamilya kaya naipangako niya sa kanyang sarili na kapag nag-asawa na siya ay ito ang una niyang pupuntahan.

Ang isa sa mga ninang nina Toni at Paul ang nagregalo sa kanila ng nasabing “honeymoon package” – at ‘yan ay walang iba kundi si Kris Aquino.

“May gift yung isa sa mga ninang namin. Actually, ang tagal na nito. Sabi ni Ate Kris, ‘Toni, grabe, you’re gonna get married, so finally you can travel with Paul na kayo lang!’

“Hindi na yung magkahiwalay yung airplane tapos magkikita na lang du’n sa family. Sabi niya, ‘Sa’n niyo gusto unang pumunta?’ Siyempre maraming bansa…we want to explore Europe.

“We want to explore different countries, cultures, and then experience different food. “Pero uunahin ko muna siguro ang Pilipinas, yung pinakasikat dito sa atin na pinupuntahan ng mga Hollywood stars, ng mga celebrity,” paliwanag ng TV host-actress na ang tinutukoy nga ay ang Amanpulo.

Hirit pa ni Toni, “So, sabi ko, ‘Sige, ‘yon.’ Kasi pangarap na pangarap ko na magpunta ng Amanpulo, kaya lang ayaw ng family ko. Hindi kasi sila mga beach person. Kahit anong yaya ko na mag-Amanpulo kami, ayaw nila.

“Kaya sabi ko, kapag nag-asawa ako, pupunta ako du’n. Kaya iyon ang gift niya (Kris),” aniya pa.Nakausap ng entertainment press sina Toni at Paul sa ginanap na 46th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Inc., sa The Theatre ng Solaire Resort and Casino last Sunday night.

Tinanggap kasi ni Toni ang kanyang Box Office Queen award kasama si Piolo Pascual na tinanghal namang Box Office King 2014 para sa pelikula nilang “Starting Over Again” ng Star Cinema.

Kinumusta ng media si Toni ngayong legal na silang mag-asawa ni Paul, “Ito, parang ganu’n pa rin, on a high.” Bigla namang singit ni Paul, “Happy ba kayo? Thank you!”

Bakit parang hindi sila masyadong nagbigay ng maraming detalye tungkol sa kasal nila ni Paul? “Kasi after ng proposal, hindi na namin ipinublicize yung preparation, because I was doing a film, yung ‘You’re My Boss’. And ayun, ayoko nang makahati pa ‘yon sa promo ng pelikula.

“Kasi iba yung pelikula, iba yung totoong buhay na pagpapakasal ko. Kaya nangyari lahat nang tahimik at matiwasay, hanggang sa ikinasal na kami,” esplika ng aktres.

So, anong feeling na meron na siyang asawa, “Nakakapanibago. Siguro nu’ng aalis na ako ng bahay, doon nag-sink in lahat sa akin na parang…naging emotional. Medyo naiyak ako. Kasi thirty-one years ng buhay ko, kasama ko ang parents ko, e.

“So, parang ang weird na iba na yung kasama ko sa bahay. Pero masaya ako siyempre sa bagong chapter ng buhay ko. Kaya lang siyempre, siguro yung separation anxiety sa family.

“But, ayun, exciting kasi nagagawa ko na lahat ng gusto kong gawin. Kung gusto kong umalis ng bahay, kung gusto kong umalis bukas. Kung gusto kong huwag matulog, kung gusto kong magpuyat. Kung gusto kong mag-drive…” biting chika pa ng TV host.

Kinumusta rin ng press ang kanilang first morning together. Unang sumagot si Toni, “Late akong nagising, e. Mas nauna siyang nagising. Wala na akong katabi paggising ko. Yun pala, siya ang nagri-ready for everything.”

Sey naman ni direk Paul, “We prepared a good lunch. I got some of her favorite foods to be brought to the house, so that when she wakes up, she had her favorite foods on the table.”

Singit naman ni Toni, “Siya pa rin ang nag-aalaga. Ang bait niya!” Kailan naman nila planong magka-baby? Tugon ni oni, “Katulad ng pag-aasawa, dumadating naman ‘yan na hindi natin pinaplano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayaw ko magsalita ng next year, next month, in the next two years. Kung kailan na lang siya ibibigay ni Lord.” Sey naman ni direk Paul, gusto raw niya kambal agad ang maging anak nila, “I just want two, twins sana.

But whatever God blesses us with, as long as healthy and strong, happy na ako.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending