May hadlang sa pagmamahalan | Bandera

May hadlang sa pagmamahalan

Joseph Greenfield - June 16, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Jonabel ng San Nicolas, Guagua, Pampanga

Dear Sir Greenfield,

May boyfriend po ako sa ngayon na tawagin na lang natin siyang Allan. Mahal na mahal ko po siya at ganon din po siya sa akin. Ang problema pinipilit kaming paghiwalayin ng kanyang mga magulang dahil mahirap lang kami habang sila naman ay pamilya ng may mga kaya sa buhay. Nakaaangat ang kanilang kabuhayan kung ikukumpara sa amin kaya hindi sa akin boto ang kanyang pamilya. Kaya naisipan kong kumunsulta sa inyo upang itanong kung kami na ba ni Allan ang magkakatuluyan? Balak nya na kasing magtanan, para raw hindi na mahadlangan ng mga magulang niya ang aming pag-iibigan. May 7, 1992 ang birthday ko at September 13, 1988 naman ang birthday ng boyfriend ko. Compatible po ba kami at kahit kaya maraming hadlang sa aming pagmamahalan kami na kaya ang magkakatuluyan at magiging maligaya kaya kami sa bubuuin naming pamilya kung sakaling sasama na ako sa kanya?

Umaasa,
Jonabel ng Guagua, Pampanga
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

illus 0616Walang nakikitang problema sa inyong pagmamahalan Jonabel kahit sabihin pang hadlang sa inyong pag-iibigan ang mga magulang ng boyfriend mo, dahil iisa lang naman ang malinaw na Marriage Line (Illustration 1. Arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin isang beses ka lang iibig ng tapat at pang habang buhay, kung saan, maaari ngang ang kasalukuyan mo nang boyfriend ang iyong makakatuluyan at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.

Cartomancy:

Ten of Hearts, Nine of Diamonds at King of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kahit sa kasalukuyan ay hadlang ang mga magulang ng boyfriend mo sa inyong pag-iibigan, tiyak ang magaganap susuwertehin ka sa pag-aasawa, at sa bandang huli, magiging maayos din ang pagtrato sa inyo ng mga magigiging biyenan mo mga bayaw at pati na rin ang iyong mga hipag.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending