Celebrity chef umurong sa kasal, binawi ang engagement ring
Nakilala rin namin finally ang singer behind the novelty song na “Arimunding-Munding” na nanalo ng dalawang awards sa Star Awards for Music noong 2013 na si Alexis Navarro.
Nagtapos sa Merriam College sa kursong Communication Arts si Alexis. Pagka-graduate ay sumabak na siya sa showbiz. And she’s 24 years old now.
“Kumakanta po talaga ko sa school before. Naging member din po ako ng choir. Tapos po ‘yung kapitbahay namun nagpapasok siya ng events sa Viva. Ipinakilala niya ako sa Viva,” bungad ni Alexis.
Ang dami pa raw niyang pinagdaanang training bago siya pinagawa ng album sa Viva. Inabot daw siya ng dalawang taon bago nagawa ang kanyang first ever album titled “Arimunding-Munding.”
“Actually, binigay lang po sa akin ni Boss Vic del Rosario and Willie Revillame ‘yung kanta. Song po niya talaga ‘yun. Si Christian Martinez ang nag-compose ng song for Willie.
Pero nakanta po ata ni Willie ‘yung ‘Arimunding-Munding’ sa show niya,” kwento ni Alexis Kung meron daw artistang gusto niyang maka-duet, type ni Alexis si Daniel Padilla, “Ang gwapo niya, e. Ha-hahaha!”
Na-tense naman bigla si Alexis when we reminded her na baka pagselosan siya ni Kathryn Bernardo, huh! Ayaw ng Kathniel fans! Mukhang palaban naman si Alexis at handa na sugurin o i-bash ng supporters ng KathNiel.
Anyway, hindi pa nagtatagal sa music industry si Alexis na isa ring Zumba instructor na ngayon. Bukod sa pagiging singer, nakalabas na siya sa marami-rami na ring commercials, teleserye at pelikula.
Nakasama siya sa teleserye sa TV5 na PS I Love You at naging support sa malalaking pelikula. Last year, she did her first major role sa indie film ni Romy Suzara titled “Tinik.” Wala namang kyeme si Alexis kung kailangan niyang magpa-sexy on screen or magpakita ng skin if it is really necessary.
Inamin naman ni Alexis na nagkaroon na siya ng dalawang boyfriend in the past. Isa riyan ang anak ng yumaong hairdresser na si Jun Encarcion at isa na ring celebrity chef na si Tristan.
Napakabilis natapos ng kanilang relasyon pero umabot din sila sa marriage proposal. Engaged na raw sila ni Tristan nang biglang nakipag-split sa kanya ang guy for reasons na hindi maintindihan ni Alexis.
Ang ikinawindang pa ni Alexis, binawi pa raw talaga sa kanya ni Tristan ang engagement ring nila na isang ordinary ring lang naman. Bukas naman ang pahinang ito para sa side ni Tristan about this intriguing issue.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.