Lea Salonga napikon, pinersonal ang mataray na netizen | Bandera

Lea Salonga napikon, pinersonal ang mataray na netizen

Ervin Santiago - June 15, 2015 - 02:00 AM

lea salonga

Wala pa ring kupas si Lea Salonga. Talagang reyna pa rin ng mga “patola” ang singer-actress. Talagang pinatulan niya ang mga netizens na nag-react sa naging kontrobersiyal na Independence Day tweet niya.

Sabi kasi ni Lea, hindi siya pabor sa patuloy na paggunita ng Araw ng Kalayaan sa Pilipinas dahil hindi pa naman daw tayo tunay na malaya, “Our country is not yet debt-free, poverty-free, crime-free, or corruption-free.

So what are we free from exactly and why do we celebrate it?” Ayon sa mga sumagot kay Lea, kung hindi raw dahil sa Independence Day sa banda ay hindi niya malayang maibabandera ang kanyang matatapang na mensahe sa social media kaya maling-mali ang kanyang pananaw sa isyung ito.

May mga nagsabi pang masyadong pa-intelligent at pabibo ang singer pero hindi naman marunong mag-isip. Sabi ng isang basher ni Lea, “The moment you pressed the tweet button for this message already defines FREEDOM. #NotProud.”

Ito naman ang sey ng isang follower niya, “@MsLeaSalonga our celebration is about being free from the colonizers, not being free from the major maladies of the country.”

Rumesbak naman ang The Voice coach ng, “Indeed, we are independent from the colonizers that once lorded over our country. But I can’t celebrate just the same. #Just me.”

Ang matapang namang tweet ng isang netizen ay ito, “@MsLeaSalonga only stupid people will like this tweet. you’re family is not perfect so what’s your reason to be proud of them?”

Ito naman ang sey ng singer, “Your. Not you’re. Before you wipe the dirt off my face, you may wanna look in a mirror at your own.”  At muling sinagot ng follower niya ng, “@MsLeaSalonga that’s the best you can do? to correct my grammar?”

Oo nga naman. Parang napahiya si Lea rito. Nasukol na kasi siya kaya personal na ang tirada niya. In fairness, may point naman ang mga nagalit na netizens kay Lea, kung sa tingin niya hindi na dapat magdiwang ng Independence Day dahil hindi siya naniniwalang malaya na ang mga Pinoy, dapat nanahimik na lang siya.

Pero kung hindi pa nga tayo tunay na malaya, e, bakit meron siyang freedom na magdadakdak sa social media tungkol sa mga paniniwala niya? Masyado kasing maraming alam! Wala rin namang naitutulong sa pag-unlad ng bansa!!!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending