Ai Ai: Sure akong malayo ang mararating nina Ruru at Gabbi!
Hatid naman ng primetime series na Let The Love Begin ang mga nakakatuwa at nakakakilig na mga eksena gabi-gabi sa Telebabad block. Tampok ang powerhouse cast ng programa, ang feel-good seryeng ito ay patuloy na pinag-uusapan at pinakatututukan ng netizens.
Hindi nagpapahuli ang Philippine Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas na ipamalas ang galing sa pag-arte bilang si Jeni. Dagdag pa ang kanyang undeniable chemistry sa seasoned actor na si Gardo Versoza bilang Tony.
Hindi rin pahuhuli sa pagbibigay kilig ang fast-rising Kapuso loveteam na sina Ruru Madrid bilang Erick at Gabbi Garcia bilang Pia. “Itong Let The Love Begin naiiba, kasi ngayon lang ipapakita ang mundo ng radio sa isang teleserye.
Happy akong makapareha si Gardo. Si Ruru napakahusay na bata at malayo ang mararating niya sa showbiz. Si Gabbi ganu’n din at napakagandang bata,” pahayag ni Ai Ai.
Sa pagpapatuloy ng kwento, naka-survive si Tony (Gardo) sa aksidente pero hindi ito makapagsalita at ungol lang ito ng ungol. Hindi din nito maigalaw ang kanyang katawan.
Kaya’t hindi na masyadong nag-aalala si Celeste (Donita Rose) na mabunyag na siya ang dahilan ng kanyang aksidente. Disimulan na ni Celeste na pahirapan si Pia (Gabbi).
Iko-confiscate ni Celeste ang gadgets ni Pia kaya nang tumawag si Sophie (Rita Avila) sa number ng dalaga, si Luchie (Rita Daniela) ang makakasagot at galit nitong sasabihin na kay Sophie na huwag siyang magpanggap na kanyang ina dahil matagal na itong patay.
Magtagumpay kaya si Celeste sa maiitim niyang plano laban kila Tony, Sophie at Pia?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.