Horoscope, June 12, 2015 | Bandera

Horoscope, June 12, 2015

Madam Sophia - June 12, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Kailangang magkaroon ng bunga ang mga pagtiiis. Sa pag-ibig, isang Libra ang magpapadama ng sinasabi nilang true love. Sa pananalapi, unti-unting lalago ang kinikita sa tulong ng isang Sagittarius. Mapalad ang 5, 19, 24, 37, 39 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Karma-Yoga-Ashana-Om.” White at blue ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Sa pag-ibig, palitan ang luma na at matampuhing kasuyo. Isang Sagittarius ang magpapadama ng tunay ligaya. Sa pinansiyal, bagong produkto ang dapat upang kumita ng mas malaking halaga. Mapalad ang 3, 12, 27, 35, 44, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Kah-Soka-Saha-Om.” Red at green ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Kung patuloy na bubuhos ang ulan magtanim ng halaman. Iba-ibang kulay ng bulaklak ang magbibigay sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, akitin ang minamahal sa pamamagitan ng tatlong pulang rosas. Mapalad ang 7, 16, 24, 33, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Marga-Om.” Lilac at purple ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Sa pananalapi, alahas na silver ang aakit ng buenas. Sa pag-ibig, susuwertehin ka sa isang maliit na matabang babae. Kung ikaw ay babae, susuwertehin ka sa isang payat at matalinong lalaki. Mapalad ang 5, 9, 28, 30, 37, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Vayur-Anilam-Om.” Bukod sa silver ang beige at buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Araw ng Kalayaan ngayon! Maging malaya sa anomang pagdedesisyon, huwag kang magpaalipin sa damdamin at sulsol ng iba. Sa ganyang paraan, mas uunlad ka at mas magiging maligaya. Mapalad ang 1, 17, 25, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sucti-Suras-Asuras-Om.” White at lilac ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) —Tanggalin ang galit. Hindi makapagdadagdag ng income ang lihim na inis at sama ng loob. Sa pag-ibig, kung sino pa ang iyong kinaiinisan ay siya pa ang unti-unting mapapamahal sa iyo. Mapalad ang 1, 19, 18, 27, 29, at 33. Mahiwaga mong mantra: “Param-Prana-Prisada-Om.” Green at black ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Mapalad sa negosyong may kaugnayan sa computer, cell phone at iba pang modernong kasangkapan. Maghanap ng kasosyong may birth date na 5, 14, at 23. Sa pag-ibig, isang Libra ang matagal ng may lihim na pagtingin sa iyo. Mapalad ang 5, 17, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bastam-Atha-Idam.” White at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Kung nagkamali ka dati dahil sa sobrang mapagbigay, wag na uling magpauto sa mga taong magaling mambola. Umpisahan ng pahindian ang mga taong nangungutang. Sa pag-ibig, isang Virgo ang muling magpapatibok ng iyong puso. Mapalad ang 5, 7, 16, 20, 29, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Purana-Avidya-Akyata.” Orange at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Pahabain ang buhok upang suwertehin. Para sa mga Scorpio, kapag mahaba ang buhok ay mas maraming materyal na bagay ang darating. Sa pag-ibig, sa mahabang buhok mas magiging kaakit-akit ka. Mapalad ang 2, 17, 29, 39, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Vidya-Om.” Red at maroon ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa pinansyal, kapag napasunod mo ang mga taong nakapaligid sa iyo ay mas madali kang uulad. Sa pag-ibig, piliting “underin” at mapasunod ang kasuyo upang hindi makagawa ng kalokohan. Mapalad ang 1, 3, 13, 28, 37 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Tam-Kale-Varam-Om.” Purple at lilac ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Nakatakda sa buhay mo ang yumaman. Sa pag-ibig, sa panahong may asawa ka na ay kusang magaganap ang iyong pagyaman, sa edad mong 44 pataas. Mapalad ang 7, 19, 23, 2, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Kirata-Pulkasa-Namah.” Yellow at red ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pakikinig ng paboritong musika ang pakiramdam mo ay gaganda. Sa pag-ibig, isa-isang magbabalik sa alaala ang masasayang nakaraan. Sa pinansiyal, gumamit ng kulay na pula tuwing araw ng Lunes at Biyernes upang mas mabilis kang magkapera at yumaman. Mapalad ang 5, 17, 24, 27, 33 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Agne-Manu-Manu-Om.” Pink at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Sa pagsusungit ay makukuha ang tagumpay. Sa pinansiyal, singilin nang mahigpit ang mga taong sa iyo ay may pagkakautang. Sa pag-ibig, habang nagsusungit ay alam mo bang lalo kang gumaganda? Mapalad ang 3, 18, 22, 27, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hiram-Mayena-Patrena-Om.” White at violet ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending