TITO SEN inireklamo uli, 3 blogs pa raw ang kinopya para sa speech? | Bandera

TITO SEN inireklamo uli, 3 blogs pa raw ang kinopya para sa speech?

- August 19, 2012 - 05:14 PM

Pagkatapos akusahan ng isang blogger ng plagiarism

Nakakaloka dahil kung saan-saang level na inabot ang controversial speech ni Sen. Tito Sotto na diumano’y kinopya lang sa isang blogger.

Naging usap-usapan sa internet ang nasabing kontrobersiya at since ang Pinoy ay mahilig makisawsaw at mag-react ay may nabasa kaming isang comment na talagang kumuha ng aming atensyon.

Sabi ng isang follower nina Mo Twister at Bianca Gonzalez, “@djmotwister @iamsuperbianca kung may Noynoying, bakit walang Tumi-TitoSen? Pwede naman e ‘Ang yabang mo! Tumi-tito sen ka na naman!” LOL.”

Nakakaloka siya, hindi ba? Bakit, mayabang ba si Tito Sen? Hindi naman, ah!

Obviously ay na-hurt ang blogger sa naging denial ng senator sa issue ng plagiarism, “Why would I quote the blogger? I was quoting Natasha McBride,” sabi ni Tito Sen sa isang interview.

Obviously pissed off, Sarah Pope, the healthy home economist blog, wrote, “A thief is a thief, Mr. Senator.

Denying it doesn’t get you off the hook; it just makes you a lying thief.”

Aray ko! ‘Yun lang daw ang nasabi ko!

Pero ito ang latest, hindi pa nga tapos ang isyung ito ay may balitang tatlo pa raw mga blogs ang diumano’y kinopya rin ni Tito Sen para sa speech niya laban sa Reproductive Health Bill.

Isang award-winning novelist named Miguel Syjuco ang nagsalita na guilty raw si Sen. Sotto sa pangongopya ng tatlo pang blogs.

Sa news program ng TV5, sinabi ng Canada-based Filipino novelist ang tatlong blogs na umano’y pinagkopyahan ni Sen. Sotto ng ilang parte ng kanyang ikalawang speech sa Senado.

“I’ve gone just through Tito Sotto’s second speech and discovered he lifted, verbatim, from three sources easily found online,” ayon pa kay Syjuco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

I’m sure may magandang paliwanag din tungkol diyan si Sen. Sotto kaya huwag muna natin siyang i-judge about it.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending