Claudine, Raymart nagkasundo na alang-alang sa mga anak | Bandera

Claudine, Raymart nagkasundo na alang-alang sa mga anak

Cristy Fermin - June 08, 2015 - 02:00 AM

raymart santiasgo

Mabuti naman at nauntog din sa katotohanan si Claudine Barretto na walang magandang magagawa sa buhay niya at career ang palagi niyang pakikipag-away sa ama ng kanyang mga anak.

Mahabang panahon ang kinuha nu’n sa kanyang career, halos araw-araw siyang nasa husgado dahil sa mga isyung pinaglalabanan nila ni Raymart Santiago, halos makalimutan na siya ng publiko.

Bukod du’n ay napabayaan na rin ng aktres ang kanyang sarili, lumaki siya nang lumaki, masyadong natuon ang kanyang mahalagang panahon sa pakikipag-argumento kay Raymart sa korte.

Balita ng isang kaibigan naming malapit kay Claudine ay tapos na ang kanyang pakikipagbangayan kay Raymart. Hindi lang nila ibinabahagi sa publiko pero maayos na ang usapan nila para sa kanilang mga anak.

“Nagkasundo na sila, maghihiraman sila kina Sabina at Santino, mas mahalaga na ngayon para sa kanila ang kinabukasan ng mga bata. Kung nu’n pa nila pinagkasunduan ang ganyan, di hindi sana naapektuhan ang career ni Clau?

“Siya ang napuruhan sa nangyari, tuluy-tuloy lang ang career ni Raymart, pero si Claudine, magsisimula uli siya ngayon sa zero. Sayang na sayang ang pinaghirapan niyang career,” kuwento ng aming kaibigan.

Ang unang pinaglalaanan ng panahon ngayon ni Claudine Barretto ay ang pagbabawas ng timbang. Kailangan ‘yun dahil dumoble ang laki ng kanyang katawan, konti na lang at mukha na siyang matrona, puro exercise ang pinagkakaabalahan niya ngayon.

“Sana nga, makabalik siya uli,” hiling pa ng common friend naming ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending