Kuya Germs babalik na sa Walang Tulugan

By Ervin Santiago June 06,2015
share this

Kuya Germs babalik na sa Walang Tulugan

By Ervin Santiago June 06,2015
share this

german moreno

Ngayong Sabado rin sa Walang Tulugan, siguradong all-out entertainment ang mapapanood ng Kapuso viewers dahil magbabalik na ang nag-iisang Master Showman, si German “Kuya Germs” Moreno.

Sa pagbabalik ng itinuturing na tatay ng industriya, matutunghayan ng television viewers ang inihandang programa na puno ng sayawan, awitan, at kwentuhan.

Kasama pa rin ang hosts ng programa na sina John Nite, Jackielou Blanco, Sharmaine Santiago at Shirley Fuentes, abangan ang pagsasama-samang muli sa entablado ng Triplets na binubuo nina Manilyn Reynes, Sheryl Cruz at Tina Paner.

Bukod sa mga segment na OPM Greats at LSS, hindi rin dapat palampasin ang Celebrity Talk kung saan makikipagkwentuhan at chikahan si Kuya Germs kasama ang veteran journalist na si Aster Amoyo sa mga sikat na personality sa showbiz.

Abangan ang bonggang-bonggang homecoming party ni Kuya Germs sa Walang Tulugan with The Master Showman tonight after ng Kapuso Movie Night sa GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending