Sa edad 27 magsisimula ng suwertehin sa buhay (2) | Bandera

Sa edad 27 magsisimula ng suwertehin sa buhay (2)

Joseph Greenfield - June 05, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Neriza ng Catalunan, Grande, Davao City

Problema:

1. Gusto kong malaman ang aking magiging kapalaran kasi marami sanang dumarating na opportunities sa aking buhay, ang kaso ay mahina ako sa decision-making. Kadalasan tuloy ay mali ang nagiging desisyon ko kaya nauuwi sa luha at pagsisisi. Tuloy, hanggang ngayon ay mabigat pa rin ang mga dalahin ko sa buhay. Gusto ko sanang mag-abroad pero kulang pa ang perang naiipon ko para sa panggastos naming mag-anak. Failure din ako sa relationship, money at job. Kahit nga nagyon, I’m into a wrong guy.

2. Gusto ko na rin iwanan ang kasalukuyang buhay ko pero financially unstable ako. Makakatagpo kaya ako ng guy na tatangapin kung sino at ano ako sa kasalukuyan? Kailan kaya darating ang suwerte aking buhay? September 1, 1988 ang birthday ko.

Umaasa,
Neriza ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:

Ang zodiac sign mong Virgo ay nagsasabing ang kailangang maging bestfriend mo na dapat laging makakunwentuhan upang mag-bust ang iyong personalidad ay silang isilang sa zodiac sign na Taurus, Capricorn at Pisces. Kapag nakatagpo ka ng ganyang matalik na kaibigan, puwede ring boyfriend o asawa, magsisimula ka nang umasenso at umunlad hanggang sa tuloy-tuloy na suwertehin sa lahat ng aspeto ng iyong buhay.

Numerology:

Ang birth date mong 1 ay nagsasabing hindi ka dapat nag-iisa sa mundo, kailangang lagi kang may kaibigan o kakuwentuhan upang ma-unload ang iyong mga dalahin. Hanapin mo ang mga taong isinilang sa petsang 4, 13, 22, 31, 7, 16, 25, 5, 14 at 23 – sila ang mga taong may malaking maitutulong sa iyo at maibibigay sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran.

Luscher Color Test:

Kailangan mo ring isuot ang buwenas mong kulay na dilaw, at pula upang madali mong mahigop ang suwerte at magagandang kapalaran. Dapat ka ring magsuot ng silver na alahas upang lalo mo pang maakit ang magagandang kapalaran habang ikaw ay nasa ibang bansa.

Huling payo at paalala:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Neriza, ang mahalagang gawin mo sa ngayon ay ituloy mo lang ang pag-aaplay sa abroad. Ayon sa iyong kapalaran, sa buwan ng Hulyo o Agosto at sa tulong ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Taurus, tiyak ang magaganap—makapag-aabroad ka. At sa nasabing panahon ng iyong buhay, sa edad mong 27 pataas, ay tuloy-tuloy ka nang susuwertehin hanggang makamit ang isang maunlad at maligayang pagpapamilya sa piling ng isang lalaking nagtataglay ng initial na J.V. na sa pangingibang-bansa mo rin makikilala.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending