Sharon pinuri-puri ang anak kay Kiko para ilaglag at ipahiya si KC | Bandera

Sharon pinuri-puri ang anak kay Kiko para ilaglag at ipahiya si KC

Cristy Fermin - June 05, 2015 - 03:00 AM

KC CONCEPCION AT SHARON CUNETA

KC CONCEPCION AT SHARON CUNETA

Kahit saan kami magpunta ngayon ay todong pagtatanong ang ibinabato ng mga kababayan natin tungkol sa hidwaan ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion.

May mga nakakaintindi sa sentimyento ng Megastar, meron din namang hindi, wala raw bang malalapit na kaibigan si Sharon na puwede niyang paghingahan ng kanyang saloobin kesa sa ipagbilaran sa social media ang kanyang mga tampo kay KC?

Sabi pa ng isang propesor naming kaibigan, “Matagal nang ganyan si Sharon, tweet siya nang tweet at FB siya nang FB ng kung anu-anong mga nangyayari sa buhay niya.

“Naglalabas siya ng sama ng loob, pero puro pa-blind item naman ‘yun, she doesn’t name names! Sa isang tulad niya who doesn’t know how to hold her emotions, hindi advisable na magkaroon siya ng social media accounts!

“Hindi niya kayang kontrolin ang emotion niya, sige lang siya nang sige, pero kapag may mga netizens nang nanghimasok sa mga posts niya, e, nagagalit naman siya.

“Privacy ang hinihingi niya. Anong kapribaduhan ang inaasahan niya, e, siya mismo ang nagbubuyangyang ng mga nagaganap sa buhay niya?

“Tumatanda yata nang paurong ang Megastar!” madiin pang komento ng propesor naming kaibigan.

Hindi naging maganda ang panlasa ng publiko sa kanyang mga papuri nang todo kay Frankie na panganay nila ni Senador Kiko Pangilinan, hindi ang mga papuri ang nabasa du’n ng mga kababayan natin, kundi ang panglalaglag niya kay KC.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending