Masyadong ambisyosa si Inday | Bandera

Masyadong ambisyosa si Inday

Ramon Tulfo - June 04, 2015 - 03:00 AM

SINA Jacinto Ang, Nonilon Tagalicud, Gilsie Mangilit at Amerhassan Paudac ay mga halimbawa na ang Department of Justice (DOJ) ay hindi marunong pumili ng mga prosecutors.

Dinismis ni Pasig City Assistant Prosecutor Tagalicud ang homicide case laban sa isang pulis na nagwala at nakapatay ng isang dalawang taong gulang na batang babae dahil daw pinagtanggol lang ng pulis ang kanyang sarili at buhay ng kanyang kapatid.

Ang resolution ni Tagalicud ay sinang-ayunan ng kanyang boss na si Pasig City Prosecutor Ang.

Paanong naging self defense ang depensa ng pulis na si PO2 Reynante Cueto, na nakatalaga sa Police Security and Protection Group sa Camp Crame, samantalang wala siyang kaaway?

Sumugod si Cueto sa pinangyarihan ng isang shooting incident kung saan napatay ang kanyang kapatid na isa ring pulis na si Jason Cueto ilang oras makalipas ang patayan.

Nagwala si Cueto at nagpaputok ng baril; isa sa kanyang bala ay tumama sa ulo ng paslit na si Anna Maris Abayon.

Sinabi ni Tagalicud sa kanyang resolusyon na pinagtatanggol lang niya ang kanyang sarili at ang kanyang kapatid na si Jason.

Gago! Paanong ipagtanggol ni Cueto ang kanyang sarili samantalang wala na ang pumatay kay Jason at patay na rin si Jason ilang oras nang nakaraan?

Sa Paranaque City, ibinasura ni Assistant Prosecutor Mangilit ang kasong robbery-extortion at grave coercion na isinampa ng mga ahente ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kay Mary Jean Kamb na nahuli nila sa akto na tumanggap ng extortion money.

Ang complainant ay si Elkie Lumagui, isang dentista, na dumulog sa “Isumbong mo kay Tulfo.” Ipinasa ng inyong lingkod ang reklamo ni Dr. Lumagui sa CIDG.

Sinabi ni Lumagui na tinakot siya ni Kamb na ibunyag sa publiko ang kanyang malaking unpaid electric bills.

Nagbayad na raw si Lumagui ng kanyang mga utang sa kuryente sa Meralco ilang buwan na ang nakararaan.

Gumawa ng patibong laban kay Kamb ang mga CIDG agents na pinamunuan ni Senior Insp. Rommel Macatlang at nahuli naman ang suspect.

Ang dahilan ni Piskal Mangilit—na inayunan naman ni City Prosecutor Paudac na wala raw “probable cause.”

Paanong walang probable cause na nang-blackmail at nanakot si Kamb samantalang nahulihan siya ng pera na iniabot sa kanya ni Dra. Lumagui?

Ang mga tumutulong bubong sa Ninoy Aquino International Airport terminal 1 na kailangan pang magpayong ang mga pasahero sa loob mismo ng terminal upang di sila mabasa ay isa na namang pruweba na inutil si NAIA general manager Jose Angel Honrado.

Hindi matanggal-tanggal si Honrado kahit na siya’y inutil dahil siya’y kamag-anak ni Pangulong Noynoy.

Kung hindi puwedeng tumakbo si Sen. Grace Poe pagka-Pangulo next year dahil sa kulang siya ng residency requirement na 10 taon siya sa bansa bago ang eleksiyon, maghintay na lang siya sa susunod na presidential election.

Si Poe ay lumaki at nag-aral sa Estados Unidos. Siya’y bumalik lang sa bansa noong namatay ang kanyang amain na ang aktor na si Fernando Poe Jr. o FPJ.

Huwag siyang apurado at atat na atat dahil batambata pa siya upang maging Pangulo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Masyado ka namang ambisyosa, Inday!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending