SSS educational loan | Bandera

SSS educational loan

Liza Soriano - May 30, 2015 - 03:00 AM

MAGANDANG araw sa Aksyon Line. Ako po ay miyembro ng SSS. Elmer Benipayo. May ilang katanungan lamang ako na gusto kong malaman hinggil sa educational loan dahil interesado ako. Paano po ba ako makakapag-avail ng educational loan?

Ang educational loan ba ay maibibigay tuwing semester o minsan lang sa isang taon? O isang beses lang sa loob ng pag-aaral ng isang bata?. Ilang taon da-pat bayaran ang educational loan? Ano-ano ang mga requirements na kailangan para maka-avail ng educational loan? Pwede pa bang mag-apply ng educational loan ngayon kung sakaling kumpleto ang papeles? Sino ang qualified sa educational loan? May salary bracket ba? Magkano ang maaaring mai-loan sa SSS educational loan?
Elmer Benipayo

REPLY: Upang makatulong sa mga miyembro, inilunsad ng SSS noong 2012 ang Educational Assistance Loan Program o Educ-Assist. Ito ay isang programa para makautang ang mga miyembro at matustusan ang pag-aaral ng kanilang dependents. Kada semester, ang pinakamalaking mauutang ng miyembro ay P20,000 para sa kolehiyo at P7,500 naman para sa vocational o technical courses.

Maaaring makakuha ng educational loan ang isang miyembro kung ito ay nakapaghulog ng minimum na 12 monthly contributions, at isang buwan ng contribution ang kailangang naihulog sa nakalipas na tatlong buwan bago ang loan application. Dapat ang huling sweldo ng miyembro na nakalagay sa Monthly Salary Credit (MSC) ay hindi bababa sa P15,000 at pababa. Dapat din up-to-date ang pagbabayad ng salary/housing loan amortization o kung may overdue amount, hindi dapat lumagpas sa 3 monthly loan amortization.
Dagdag pa rito, pasok sa educational loan ng miyembro ang kanyang sarili, legal na asawa at mga anak o mga kapatid.

Ang Educ-Assist na ito ay may 6% interest per annum at 1% penalty per month kung hindi mababayaran ang amortization.

Magsisimula ang pagbabayad ng loan makalipas ang 18 buwan matapos maibigay ang loan. Kung sa kolehiyo, ito ay babayaran sa loob ng limang taon samantalang tatlong taon kung vocational/technical course. Kung nais ng isang miyembro makakuha ng nasabing loan, dapat siyang magprisenta ng mga sumusunod:

1.SSS ID o dalawang (2) valid IDs
2.Accomplished application form
3.Assessment/Billing statement mula sa paaralan ng miyembro o benepisyaryo
4.Proof of monthly salary/income o payslip (para sa mga employed)
5.Income Tax Return o affidavit of income (para sa mga self-employed/voluntary members)

Ngayon, hindi muna tumatanggap ng aplikasyon ang SSS dahil nailaan na ang pondo ng naturang programa sa kasalukuyang benepisyaryo nito na umaabot sa 64,912 college at vocational-technical students. Sinumang miyembro na magsumite ng aplikasyon ay makakasama sa waiting list at ipoproseso lamang ang inyong aplikasyon kung sakaling may mag-withdraw ng loan application o di kaya ay madagdagan ang pondo para dito.

Pansamatala, maaari naman mag-apply sa SSS Salary Loan kung siya ay qualified dito.
Sana ay mabigyan po ninyo ng puwang sa inyong pahayagan ang paglilinaw na ito.
Salamat po.

Sumasainyo,
May Rose DL Francisco
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs
Department
9247295/9206401
loc 5053

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending