PH fencers tutusok agad ng Seag gold | Bandera

PH fencers tutusok agad ng Seag gold

Mike Lee - May 30, 2015 - 12:00 PM

BAGO pa man buksan ang 28th Southeast Asian Games  sa Singapore ay sampung ginto na ang naipamigay sa mga nagtatagisang bansa.

Sa Hunyo 5 opisyal na magbubukas ang regional games pero sa Hunyo 2 pa lamang ay may mga nanalo na mula sa 11 bansang magtatagisan sa palaro na gagawin hanggang Hunyo 16.

Ang table tennis ang unang magkakaroon ng mga gintong medalya sa nasabing petsa dahil isasagawa rito ang women’s at men’s doubles finals.

Kinabukasan ay mga ginto sa men’s individual epee, women’s individual foil at men’s individual sabre sa fencing ang paglalabanan habang sa Hunyo 4 ay limang ginto ang pag-aagawan na magmumula sa men’s individual foil, women’s individual epee at sabre bukod sa dalawang ginto sa duet at team sa synchronized swimming.

Ang Pilipinas ay kilalang malakas sa fencing kaya’t inaasahan na may makukuhang ginto agad bago ang pagbubukas ng kompetisyon.

Nakakuha ng pagkakataon para pormal na pasimulan ang kampanya ng Pilipinas sa edisyong ito ay women’s netball team dahil bukas ay kakampanya na sila laban sa Thailand.

Ang men’s football team ay magbubukas ng aksyon sa Hunyo 1 kontra Singapore.

Sa Hunyo 6 ay raratsada na ang pagsungkit ng gintong medalya dahil 46 finals ang isasagawa rito sa larangan ng aquatics, athletics, canoe, equestrian, fencing, gymnastics, judo, petanque, sailing, sepak takraw, shooting,  traditional boat race, triathlon at wushu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending