JED Nagmaldita, inaway-away sa TWITTER | Bandera

JED Nagmaldita, inaway-away sa TWITTER

- August 12, 2012 - 03:50 PM

Di lang sina Bistek at Diet ang binatikos ng madlang pipol

NAPAKARAMING naganap nitong mga nakaraang araw, lalo na ang pagragasa ng tubig sa Kamaynilaan at karatig probinsiya dahil sa habagat.

Kanya-kanyang pagtulong ang ginawa ng ating mga volunteers – rescue and relief operations combined.

Marami ring mga taga-showbiz ang nagsipuntahan sa mga nasalanta at ilang evacuation sites para maghatid ng relief goods.

Nakita namin sa TV Patrol ang pagpunta nina tita Cory Vidanes, executive ng ABS-CBN, direk Lauren Dyogi at Kathryn Bernardo, ganu’n din sina Robin Padilla, Mariel Rodriguez, Kim Chiu, Xian Lim, Kris Aquino, Iza Calzado, Angel Locsin, Marian Rivera, among others.

Nabalita ring dumalaw sa isang evacuation site si Diether Ocampo pero inintriga naman siya ng ilan dahil may kasama pa raw siyang reporter. Para sa akin, okay na rin iyon, kesehodang ang dahilan niya for bringing in some mediamen sa kanyang pamumudmod ng mga de-lata ay para makakuha ng mileage kaysa naman sa karamihan sa mga pulitiko nating deadma lang.

Meron nga diyang ibang pulitiko na namigay nga ng relief goods pero litrato naman nila ang inilagay sa ulo ng isda sa mga lata.

Nakakatawa talaga iyon, imagine, para silang mga sirena sa lata ng sardinas – mukha nila ang kadugtong ng buntot ng isda, mai-promote lang ang sarili. Ha-hahaha!

Pero wait, dalawang mga taga-showbiz ang binabatikos ngayon ng ating mga kababayan.

Ang una ay si Quezon City Mayor Herbert Bautista na nagsabi raw na iniisip pa niya kung magpapadala siya ng pagkain sa mga biktima ng baha dahil baka masanay raw ang mga Pinoy na dinadalhan lang sila ng pagkain sa tuwing may mga sakuna o trahedya.

Sinabi nga raw ito ni Mayor Herbert sa isang panayam sa kanya sa DZMM. Maaaring iba ang nais tumbuking punto ni Mayor Herbert pero mali lang siguro ang kanyang pagbitaw. Hindi pa rin magandang pakinggan.

“Not at this time of tragedy. Hindi naman kagustuhan ng mga taong bahain sila at mangailangan ng pagkain at iba pang basic needs to survive.

Kung ayaw niyang tumulong, hindi naman siya pinipilit.

Pero since siya ang ama ng bayan ng Q.C., aba’y obligasyon niyang tumulong dahil malaki ang pakinabang niya sa mga taong ito, ’no!

Sa dami ng kinita niya when he became a politician, konting ayuda lang sa nasalanta ipagkakait pa niya.

Kaloka naman si Bistek!” anang isang nakarinig ng kanyang sinabi sa DZMM Teleradyo.

Isa pang talagang binabanatan daw sa social networking sites ay itong si Jed Madela na nu’ng tanungin daw sa Twitter ng kanyang followers kung bakit hindi siya tumutulong sa mga nasalanta by joining relief operations instead of listening to music, sumagot ba naman daw ito ng wala naman daw siyang magagawa sa mga kaganapang ito.

Nagalit sa kanya ang mga Twitter followers, they hurled some vindictive on him.

Kasi nga naman, mali talaga ang sagot ni Jed, puwede naman niyang sabihing gumagawa siya ng sariling paraan sa pagtulong – kung hindi man physical or financial, kahit ‘yung walang-kamatayang kiyemeng through prayers kumbaga.

Huwag niyang sabihing wala siyang magagawa dahil kung gusto niya, marami talaga siyang magagawa.

Kabobohan naman kasi ang sagot niya kaya tama lang na hambalusin siya ng masasakit na salita.

Loka-loka talaga itong si Jed, hindi nag-iisip. Buti nga sa ’yo. Madiwara ka kasi.

Napakaraming nangangailangan ng tulong sa kapaligiran.

Hindi excuse na sikat ka or what para mahiyang makitang nagbabanat ng buto. Tumigil! Kung gusto mong tumulong, napakaraming paraan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung wala kang maisip, magdala ka ng pala at linisin ang mga putik na dulot ng baha. Loka-loka!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending