VP Binay ikinalungkot ang pagsuporta ni Poe na kasuhan siya ng plunder | Bandera

VP Binay ikinalungkot ang pagsuporta ni Poe na kasuhan siya ng plunder

- May 29, 2015 - 04:10 PM

GRACE POE AT JEJOMAR BINAY

GRACE POE AT JEJOMAR BINAY


SINABI kahapon ng Vice President Jejomar Binay na nalulungkot siya sa desisyon ni Sen. Grace Poe na pirmahan ang draft report ng nagrerekomenda na siya ay sampahan na ng plunder kaugnay ng mga umano’y korupsyon na kinasasangkutan.

“Nalulungkot si Vice President Binay dahil mukhang pinanigan pa ni Senador Grace Poe ang mga senador na nang-usig sa kanya at sa kanyang pamilya at nang-bully ng mga inosenteng tao,” sabi ng spokesman for political concerns ni Binay na si Rico Quicho.
Inirekomenda ng draft report ng Senate blue ribbon subcommittee na kasuhan ng plunder si Binay, ang kanyang anak na si Makati Mayor Jejomar Erwin “JunJun” Binay at 18 iba pa.

“Sana man lang ay nabasa ni Senador Poe ang affidavit na isinumite ng Vice President pero binalewala ng sub-committee. Dito ay nilinaw ang mga usapin at ipinaliwanag kung bakit walang basehan ang paratang nila,” dagdag ni Quicho.

Ito’y kaugnay ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon subcommittee na pinamumunuan ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III kaugnay ng umano’y overpricing ng Makati City Hall 2 parking building.

“Plunder is a serious charge which must be fully established based on facts and prevailing jurisprudence before requiring an impeachable official like the Vice President to explain his innocence,” dagdag ni Quicho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending