Mga magulang ni Heart tanggap na si Sen. Chiz Escudero
“And then my life is perfect.”
Ganito inilarawan ng aktres na si Heart Evangelista ang kanyang kasalukuyang estado nang mag-post sa kanyang Instagram account hinggil sa kanyang “happy family”.
Sa kanyang IG photo kasama niya ang mga magulang na sina Reynaldo at Cecilia Ongpauco, at ang mister na si Senador Chiz Escudero, na sabay-sabay na naghahapunan.
“And then my life is perfect…I thank God for this moment. Anything is possible with God.Keep your heart pure, keep praying and in God’s perfect time…I believed. #happyfamily miracles happen…wait for yours,” ayon sa caption ng larawan.
Una nang nagsalita ang senador na siya at ang kanyang misis ay nagsalo-salo sa isang hapunan. Hindi naman siya nagbigay ng iba pang detalye.
Matatandaan na hindi pabor ang mga magulang ng aktres sa pakikipagrelasyon nito sa senador. Sa katunayan, hindi pa nga dumalo sa kanilang kasal ang ina ni Heart noong Pebrero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.