Grace Poe pabor sa pagsasampa ng plunder vs Binay | Bandera

Grace Poe pabor sa pagsasampa ng plunder vs Binay

Dona Dominguez-Cargullo - May 29, 2015 - 09:57 AM

KINUMPIRMA  ni Senate Blue Ribbon Sub-committee Chairman Senator Koko Pimentel III na isa si Senador Grace Poe sa mga lumagda  sa draft report ng blue ribbon sub-committee na nagrerekomendang kasuhan ng plunder si Vice President Jejomar Binay, anak nitong si Makati Mayor Junjun Binay at iba pang sangkot sa sinasabing overpriced Makati Parking Building. Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Pimentel na agad lumagda si Poe ilang oras matapos niyang iendorso dito ang report at mabasa ito ng senadora.  Sinabi ni Pimentel na updated si Poe sa takbo ng hearing, kaya hindi na siya nagulat nang lumagda ito sa draft report. Maliban kina Pimentel at Poe, pumirma na rin sa draft report sina Senador Antonio Trillanes IV at Alan Peter Cayetano. “Meron na akong apat na pirma, ako, si Trillanes, (Alan) Cayetano at Grace Poe. Hindi ako surprised na pumirma si Sen. Grace, updated siya sa hearing, nung sinabi kong may partial report na ako,  binasa niya, after few hours pumirma na siya,” sinabi ni Pimentel. Ayon kay Pimentel, sa susunod na Linggo mayroon pang tatlong senador na nakatakdang pumirma sa draft report. Kailangan ng sub-committee namaka-siyam na pirma para mai-disclose ang nilalaman ng report. Ayon sa sources ng Inquirer, lumalabas sa partial report ng Sub-committee na nagkaroon ng “grand conspiracy” para pagkakitaan ang pagtatayo ng Makati Parking Building na overpriced umano ng aabot sa P2.3 bilyon. Maliban sa mag-amang Binay, pinakakasuhan din ng plunder ang mga miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC) ng Makati City Hall, si Hilmarc Construction Corp. President Robert Henson, Board Chair Efren Canlas, Mana Architecture and Interior Design Co. owner Orlando M. Mateo at ang staff ni Vice President Binay na sina Gerardo “Gerry” Limlingan at Eduviges “Ebeng” Baloloy.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending