Seloso si BF | Bandera

Seloso si BF

Pher Mendoza - May 29, 2015 - 03:00 AM

HELLO po, Manang Pher. Ako po si Daisy, 18-years-old.

Manang, gusto ko pong humingi ng advice sa inyo kung paano ko po iha-handle ang boyfriend na sobrang seloso. Lahat na lamang ay pinagseselosan niya. Natatakot po ako sa kanya dahil taga-Maguindanao siya.

Mahal niya po ako at mahal ko rin siya, pero kailangan pa bang ipagpatuloy ang pagmamahalan namin dahil sa seloso siya?
Lagi na lang po kaming nag-aaway. Mabait naman siya at walang bisyo.
Tulungan mo ako, Manang, hindi ko alam ang gagawin ko.
HELLO Daisy! Mahal mo ba ang BF mo at handang tanggapin na nature niya ang pagiging seloso? May rason ba talaga siya para magselos?

Naniniwala ako na ang relationship ay dapat based on trust. Kung takot ang nagpapa-stay sa iyo sa relationship n’yo, hindi ito healthy. Minsan ang mga selosong tao ay may matinding insecurities at mahirap itong sakyan lalo na kung hindi n’ya ito inaayos sa kanyang sarili. Madalas kaysa sa hindi, ang matinding pagseselos ay pinagmumulan ng aggression o abuse.

Kung alam mong seloso siya, umiwas sa arguments at pagiging defensive sa iyong behavior. Kausapin mo siya nang maayos at ipaalam kung ano ang iyong mga boundaries sa relasyon—ano ang pwede at hindi pwede sa iyo. Hindi ito maso-solve sa isang upuan, so be patient. 18-years-old ka pa lang naman, you can find better relationship/s if you feel this one is not what you hope for. I wish you all the best, my dear.

Ang payo ng tropa

Hi Daisy! Bata ka pa nga. Ang pagiging seloso o selosa kasi ng isang tao ay natural lang sa isang relasyon. Baka naman meron siyang dapat ipagselos sa iyo? Kung alam mong meron siyang dapat ipagselos sa iyo, girl, umiwas ka na rin.

Sometimes people who are jealous will ignore you. They will stop speaking to you for no apparent reason. Kailangan lang nila ng time. Maybe sobrang sakit lang talaga ng nararamdaman nila.

Mas magandang pag-usapan n’yong dalawa ng BF mo kung ano ang mga dapat n’yong gawin para mapaganda ang relasyon n’yong dalawa at para maiwasan n’yo rin ang mga selosan. Ang pinakamahalaga sa isang relationship is love and respect sa bawat isa.

Kung maaari sana ay pareho nyong lawakan ang pang-iisip, huwag magpadala sa emosyon dahil iba ang kinahahantungang ng maling desisyon.

Ate Jenny B.
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or [email protected] o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending