Mga Laro sa Lunes
(Ynares Sports Arena)
1 p.m. Hapee vs Jumbo Plastic
3 p.m. AMA vs Cagayan Valley
Team Standings: *Cebuana Lhuillier (7-2); *Café France (7-2); xHapee (6-3); xCagayan Valley (6-3); xJumbo Plastic (5-4); xAMA University (4-5); KeraMix (4-5); Tanduay Light (4-5); MP Hotel (1-8); Liver Marin (1-8)
*-semifinals
x-quarterfinals
INANGKIN ng Jumbo Plastic ang upuan sa quarterfinals ngunit nabigo ang KeraMix nang lumasap ng magkaibang kapalaran ang dalawang koponan sa pagtatapos ng elimination round sa 2015 PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Gumana ang mga kamay ng ex-pro na si Paul Sanga para bitbitin ang Giants sa 78-72 panalo laban sa kinapos na MP Hotel.
Tila makukuha ng Warriors ang kanilang ikalawang panalo sa siyam na laro nang hawakan ang 61-56 kalamangan sa buslo ni Khazim Mirza ngunit nag-init si Sanga para pasiklabin ang 13-0 run.
May siyam na puntos ang ginawa ni Sanga sa run na ito para bigyan ang Giants ng 69-61 kalamangan.
“Paul carried us in the fourth period,” wika ni Giants coach Stevenson Tiu na ang koponan ay hinawakan ang ikalimang puwesto sa 5-4 baraha.
Ang ikaanim at huling upuan ay nakakawala sa Mixers nang nalusutan sila ng Tanduay Light, 70-69, sa ikalawang laro.
Si Roi Sumang ay naghatid ng 16 puntos, tampok ang go-ahead jumper sa huling 7.3 segundo, para magkaroon ng three-way tie sa mahalagang upuan.
Tumapos ang Tanduay, KeraMix at pahingang AMA University sa 4-5 karta at pinalad pa ang Titans na siyang nagkaroon ng magandang quotient para magpatuloy sa paghahangad ng titulo sa liga.
Ang quarterfinals ay sisimulan sa Lunes at kalaro ng Jumbo Plastic ang Hapee habang ang AMA at Cagayan Valley ang magtatapat sa isa pang tagisan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.