Sino ang top pick ng Texters? | Bandera

Sino ang top pick ng Texters?

Barry Pascua - May 29, 2015 - 12:00 PM

SINO ang kukunin ng Talk ‘N Text bilang No. 1 pick overall sa darating na 2015 PBA Rookie Draft?

Moala Tautuaa ba o Bobby Ray Parks?

Parang no-brainer ang kasagutan sa tanong na ito, e.

Kasi, kung ipagkukumpara ang dalawa, aba’y mas maganda di hamak ang mga numero ni Tautuaa.

Mas matangkad si Tautuaa dahil 6-foot-7 or 6-foot-8 ang height ng Fil-Tongan na ito.

Kung ano ang nagagawa ni Parks sa playing court ay puwedeng gawin ni Tautuaa. Puwedeng maglaro bilang point guard.

Puwedeng tumira sa three-point area. Puwedeng dumepensa sa malalaking manlalaro ng kabilang koponan. At puwedeng mag-dunk.

Parang wala ka nang hahanapin pa.

Kundi kampeonato!

Noon kasing nakaraang PBA D-League Aspirants Cup ay naglaro siya para sa Cagayan Valley. Naihatid niya sa Finals ang Rising Suns. Pero winalis sila ng Hapee Toothpaste ni Parks. At si Parks ang itinanghal na Most Valuable Player ng Aspirants Cup!

So, kung kampeonato ang pag-uusapan, lamang si Parks!

Sa totoo lang, puwede sanang mapuwersa ng Cagayan Valley ang Hapee Toothpaste sa deciding Game Three pero nagmintis sa kanyang free throw si Tautuaa sa dying seconds ng regulation kung kaya’t nagkaroon pa ng overtime ang Game Two bago nadesisyunan.

Ibig bang sabihin ay ‘choker’ si Tautuaa?

Hindi natin masabi. Kasi, kahit sino naman ay puwedeng magmintis sa free throw lalo’t nasa dulong bahagi na ng laro at pagod na ang isang player.

Well, pagkatapos ng Aspirants Cup ay ginulat ni Tautuaa ang lahat nang bigla siyang lumipat sa Cebuana Lhuillier isang linggo bago nagsimula ang Foundation Cup.

Pero nang minsang tanungin ko ang ilang miyembro ng coaching staff ng Cagayan Valley kung ano ang kanilang comment sa paglipat ni Tautuaa ay sinabi nila na “Okay lang ‘yun’’. Tutal daw ay hindi naman sila nagkampeon nang nasa kanila pa si Tautuaa. Hindi naman daw nila ugali na pigilan ang isang manlalaro kung gusto nitong lumipat.

Biglang naging powerhouse ang Cebuana Lhuillier sa pagkakakuha nila kay Tautuaa. Sila tuloy ang nabansagang “team-to-beat!”

Nagwagi ang Gems sa unang pitong laro nila upang tuluyang makapasok sa semifinals.

Pero nang makakuha na sila ng semis berth, aba’y natalo naman sila sa huling dalawang laro nila. At ang tumalo sa kanila ay ang Hapee Toothpaste (71-70) at Cagayan Valley (102-95).

Statements ang mga panalong ito. Kasi, alinman sa dalawang koponang ito ang puwedeng makatapat ng Cebuana Lhuilier sa best-of-three semifinal round.

Siyempre, malaking psychological advantage iyon.

Sa totoo lang, mas malaking statement ang panalo ng Cagayan Valley. Pinatunayan ng Rising Suns na hindi nila kailangan si Tautuaa. At ang panalong iyon ay naitala nila nang wala ang kanilang head coach na si Alvin Pua na na-ban for life bunga ng panununtok nito sa isang referee.

So again ang tanong diyan ay kung kaya ni Tautuaa na akayin ang Cebuana Lhuillier sa kanilang kauna-unahang kampeonato sa PBA D-League.

Matapos ang dalawang sunod na kabiguan sa dulo ng elims, maraming nagdududa kung kaya nga ng Gems na magkampeon!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At siyempre, pagdududahan din ang kakayahan ni Tautuaa kung saka-sakali.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending