Pacman pinayuhan si Richard na buntisin uli si Sarah
WALA pa ring planong magpakasal ang live-in partners na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.
Mali ang hula ng entertainment press na sina Richard at Sarah ang nakatakdang ikasal sa season 3 ng family reality show na It Takes Gutz To Be A Gutierrez na magsisimula na susunod na buwan at mapapanood na rin sa The Filipino Channel.
Ipinakita kasi ang teaser ng programa at may sinabi nga rito na may wedding na magaganap sa isang episode, at ang inakala nga ng mga reporter na present sa presscon ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez ay sina Richard at Sarah na ang magpapakasal.
Ayon kay Richard, “Alam mo, parang nag-regret tuloy ako na yung teaser na yun, kasi parang lahat kayo, yun ang tinatanong sa akin.
“Meron ngang magaganap na kasalan sa Season 3, pero hindi ako yun. Si Elvis ang ikakasal. Sila muna ni Alexa, because Elvis proposed to Alexa.
“And they’re getting married first and, hopefully, malalaman na rin kung ano ang mga susunod na kabanata,” paliwang ng aktor.
Sumunod na tanong kay Richard, sila na kaya ang susunod? “Tingnan natin, by that time, malalaman niyo rin.”
Kumusta na ba ang pagsasama nila ni Sarah, wala kasing masyadong balita tungkol sa kanila, mabuti pa nga ang anak nilang si Zion na bidang-bida sa Instagram dahil laging may mga ipino-post ng picture ng bagets si Sarah.
“We’re okay, we’re very stable. After all the years, a lot of challenges we’ve been through, we’re communicating well right now.
“Our communication is good and, you know, Zion is really our angel and he’s really the core of our relationship,” anang kakambal ni Raymond.
Natanong din si Richard kung may plano na sila ni Sarah na si Zion na dalawang taon na ngayon.
“Well, maraming nagsasabi…noong makasama nga namin si Manny Pacquiao sa L.A., nag-suggest siya na sundan na raw namin si Zion dahil two years old na, para raw magkaroon ng kalaro. So, marami ang nagsasabi,” sagot ni Richard.
“But ako, to be honest, enjoy ako na ini-enjoy lang namin si Zion ngayon. Pero kung may blessing na dumating na isa pang baby, I’ll be happy also.
“Pero tingnan muna natin, kailangan siguro to iron the formalities first,” aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.