Janno tumumba, isinugod sa ospital
NAGING isyu na naman ang pag-absent ni Janno Gibbs sa press launch ng kauna-unahan niyang programa sa TV5 kung saan makakasama niya muli ang kanyang kaibigang si Ogie Alcasid.
Sina Janno at Derek Ramsay lang ang wala sa presscon ng bagong Sunday noontime variety show ng Kapamilya network na Happy Truck Ng Bayan na magsisimula na sa darating na June 14, 11 a.m..
Bukod kay Ogie, present din sa nasabing event sina Mariel Rodriguez, Jasmine Curtis, Gelli de Belen, Tuesday Vargas, Empoy Marquez at Kim Idol. Nandoon din ang mga Kapatid youngstars na sina Mark Neumann, Shaira Mae, Sophie Albert, Vin Abrenica, Akihiro Blanco at Chanel Morales, kasama pa ang mga batambatang miyembro ng Next Gen Sexbomb Dancers.
Sey ni Ogie, nagka-LBM daw kasi si Janno kaya hindi na nakarating sa press launch ng kanilang show, at kinailangan na raw kasi itong dalhin sa ospital dahil medyo malala na ang sitwasyon.
Ayon naman sa mga bossing ng TV5, hindi late si Janno sa presscon, absent daw talaga ito dahil nga biglang isinugod sa ospital matapos masira ang tiyan.
Tumumba nga raw ito dahil sa sobrang sakit ng tiyan. Kasama ring dinala sa emergency room ang isa pang anak ni Janno dahil may nakain din na nakasama sa kanyang sikmura.
Samantala, mariin namang dinenay ni Ogie na siya ang nagkumbinsi kay Janno na iwan na ang GMA at lumipat na sa TV5, “Wala kong kinalaman do’n, totoo! Nagulat ako, to be honest. Tumawag na lang siya sa akin, sabi ko, ‘p’re, nabalitaan ko na.’ But we only met once, nag-meeting kami for this (show), then hindi kami nagkita ulit.”
Kasabay nito, hindi rin totoo na pinipilit na rin niyang lumipat sa Singko ang asawang si Regine Velasquez, “She’s very happy with GMA kaya hindi siya aalis doon.
“Hindi naman kami nakikialam sa diskarte ng isa’t isa. All I know is my wife is dedicated to be the best wife and mother that she can be. That is what I see in her and that what makes her happy,” esplika pa ng singer-songwriter-comedian.
Ibinalita rin ng TV host-comedian na meron siyang tinatapos na album na gusto niyang ide-dedicate sa kanyang misis dahil sa magandang takbo ng kanilang maariage.
Pero kung meron pang isang pangarap si Ogie bilang musician, gusto raw niyang, “Magkaroon ng isang Lea Salonga album na puro song ko ang laman.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.