Kris ‘namakyaw’ ng ticket sa MOA Arena concert ni Darren Espanto
PANONOORIN sana namin ang rehearsal ni Bimby Aquino Yap para sa production number na gagawin niya sa concert ng The Voice Kids first runner-up na si Darren Espanto sa Mall of Asia Arena kung wala sana kaming kasunod na appointment last Thursday.
But on the second thought, mas maigi na rin na sa mismong concert na ni Darren namin mapanood ang dance number ng anak nina Kris Aquino at James Yap.
Yes, Ka Ervin! Sasabak na si Bimby sa kauna-unahan niyang appearance sa concert scene bilang isa sa mga special guests ni Darren on his concert billed as “Darren Espanto D Birthday Concert” sa MOA Arena on May 29.
Muntik pang ‘di matuloy si Bimby sa concert ni Darren dahil napilayan kamakailan ang child star. Mabuti naman at umokey na ang bagets ilang araw bago ang concert.
Happy si Darren na malaman na 17% na lang daw ang natitirang ticket sa concert niya as of last Tuesday. But nonetheless, ‘di naman daw siya feeling confident na mapupuno niya talaga ang MOA Arena.
Biniro namin ang isa sa organizers ng concert ni Darren na baka naman kalahati ng tiket sa Arena ay binili na ng Queen of All Media. Hindi imposible ‘yan kasi kung ‘yung ibang artists nga na like na like ni Kris, e, pinapakyaw niya ang mga tiket at ipinamimigay sa pamilya at staff niya, sa sarili pa kaya niyang laman at dugo?
Saka ‘pag nanay ka at sing-yaman ni Kris aba, bakit hindi, ‘no? At si Kris na rin mismo ang nagsabi na siya’y certified stage mother, huh!
Pero sabi ng source namin hindi naman daw kalahati ng venue ang biniling tiket ni Kris sa concert ni Darren. Mga 30 lang daw ang binili ng TV host, pero naman, VIP lahat ‘yun. So, alam na kung saan pupuwesto doon si Pangulong Noynoy at ang famous Aquino sisters.
And in fairness to Darren, marami raw talagang fans ang batang singer. At hindi lang local fans meron siya, most of them ay mga nasa abroad pa gaya sa Canada. Sa naturang concert ni Darren, ilo-launch din ang music video ng bago niyang kanta at dapat daw abangan ang opening number sa concert niya dahil may gagawin daw siya na kakaiba.
Ang taray talaga ni Darren dahil siya ang pinakabatang artist na magpe-perform sa MOA Arena, “‘Yun po, there’s a bit of pressure and I’m still a bit nervous po pero I’m excited,” natatawa niyang sabi.
Dalawang beses nang napuno ni Darren ang Music Musem at maraming bansa na rin ang napagtanghalan niya na dinumog din ng mga kababayan natin sa abroad.
“Noong narinig ko po ‘yung MOA Arena ‘yung venue, medyo na-pressure po ako kasi hindi ko po ine-expect. Pero ngayon po mas nagiging excited na lang din po ako,” aniya pa.
Nilinaw naman ni Darren ang isyung ibinabato sa kanya tungkol sa hindi niya pagbanggit sa pangalan ng composer na si Vehnee Saturno sa mga pinasalamatan niya when he accepted an award recently. Inamin naman ni Darren na hindi niya talaga nabanggit ang pangalan ni Vehnee during his pasasalamat moment.
“Yes po, on that day we prepared a long list of people to thank but it’s unfortunate po kasi we are pressed for time. But of course po, pinapasalamatan ko siya kasi siya po ‘yung isa sa composers na tumulong po sa paggawa po ng album ko,” esplika ni Darren.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.