Marian umiiwas sa mga nakakaiyak, nakakabwisit na TV show | Bandera

Marian umiiwas sa mga nakakaiyak, nakakabwisit na TV show

Ervin Santiago |May 28,2015
facebook
share this

Marian umiiwas sa mga nakakaiyak, nakakabwisit na TV show

Ervin Santiago - May 28, 2015 - 02:00 AM

marian rivera

Inamin ng GMA Primetime Queen na si Marian Rivera na nagiging sensitive at emotional siya kung minsan dahil na rin sa kanyang pagdadalang-tao.

Iyan ang dahilan kung bakit dedma lang ang misis ni Dingdong Dantes sa patuloy na pangba-bash sa kanya ng ilang netizens sa social media. Hangga’t maaari ay ayaw niyang magalit at ma-stress dahil baka maapektuhan pa ang baby nila ni Dong.

“Actually, emotional, yes, kasi very sensitive talaga ang buntis. Konting arte lang, mapanood ko lang sa TV, parang (affected na ako). Kaya ako, pinipili ko ang mga pinapanood ko, mga pinapakinggan ko, mga kasama ko.

So, lahat lang ng mga makapagpapasaya sa akin,” paliwanag ni Marian nang makachika ng entertainment media sa renewal of contract niya para sa Maxi-Peel na halos walong taon na rin palang nakasuporta sa kanya.

Dugtong pa nito, “Huwag na muna nating pansinin yang mga negative. Tsaka hindi totoo na porke’t kailangan… pag buntis, kailangan tumataba, kailangan pangit. Parang nasa pagdadala siguro ng babae o nagbubuntis ‘yon.”

Samantala, ayaw na ring magkomento pa ni Marian sa kontrobersyal na dubsmash video ng kaibigan niyang si Angelica Panganiban, kung saan ginaya ng dyowa ni John Lloyd Cruz ang sikat na linya sa pelikulang “Bituing Walang Ningning” na, “You’re nothing but a second-rate, trying hard, copycat.”

Naging usap-usapan ito sa social media dahil ang ginamit nga ni Angelica sa video ay ang mga litrato nina Marian at Heart Evangelista na halos pareho ang suot na damit.

Tinawag ng ilang followers ni Heart si Angelica na bastos at walang pinag-aralan dahil dito. Ang sey naman ni Marian, no comment na lang siya sa isyung ito para iwas stress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending