Mataba magkaka-boyfriend din kaya? | Bandera

Mataba magkaka-boyfriend din kaya?

Joseph Greenfield - May 27, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Joy ng Sta. Maria, Treto, Agusan del Sur

Dear Sir Greenfield,
Sa October 17 ay 29- years-old na ako. Ang problema ay umabot ako ng ganitong edad ay hindi man lang nakaranas na magka-boyfriend nang seryoso at pangmatagalan. Ang isa pa kasing problema ko ay may katabaan o chubby ako. Kapag nga sumasakay ako ng pampasaherong jeep ay hindi maiwasang sumimangot ang katabi ko kasi kapag umupo ako halos nasisiksik ko na ang aking mga katabi. Sinubukan ko namang magpapayat kaya lang talagang mahina ang kontrol ko sa sarili ko, lalo sa pagkain. Sa palagay n’yo po ba sa ganitong kalagayan ng aking pangangatawan ay magkaka-boyfriend at magkakapamilya kaya ako? Kung magkaka-boyfriend ako at makapag-aasawa, kailan naman kaya ito mangyayari?
Umaasa,
Joy ng Agusan  del Sur
Solusyon/Analysis:

Palmistry:

Joy, huwag kang mag-alala. Kahit mataba ka, kapansin-pansin na may malinaw at kaisa-isang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, tulad ng nasabi na, kahit masyado kang mataba ay tiyak ang magaganap—makapag-aasawa ka dahil ang pag-aanalisang makapag-aasawa ka ay iginuhit na ng tadhana sa kaliwa at kanan mong palad bago ka pa isinilang.

Cartomancy:

Seven of Hearts, Six of Hearts at King of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa buwan ng Hunyo hanggang Hulyo sa taon ito, isang lalaking medyo kayumanggi ang kulay ang darataing upang mahalin ka at pakasalan.

Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending