Sanggol itinali ng nanay na parang aso | Bandera

Sanggol itinali ng nanay na parang aso

- May 26, 2015 - 02:08 PM

Ang sanggol na itinali na parang aso

Ang sanggol na itinali na parang aso


NAGSASAGAWA na ng imbestigasyon ang mga ahensiya ng gobyerno matapos maging viral sa Facebook ang mga litrato ng isang sanggol na itinali na parang aso ng kanyang nanay.
Isang Ayra Dela Cruz Francisco ang nag-post ng tatlong litrato sa Facebook kaugnay ng pangyayari.
Makikita sa mga litrato ang hubad na sanggol na gumagapang sa sahig habang nakatali ang leeg na parang aso.
Sa mga larawan, makikita pang hinapagan ng dog food ang sanggol.

May inilagay pang mensahe na: “Bago ko nga plang alagang aso haha … lakas ng tama ng anak ko sunod sunuran naman #dami kong tawa dito grabe.”
Umabot na ng mahigit 30,000 shares ang litrato sa Facebook.
Naging viral din ito sa Twitter.
Dine-activate na ni Francisco ang kanyang account, bagamat maraming hate page ang ginawa sa ilalim ng kanyang pahina.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) kaugnay ng pangyayari.

“Walang karapatan kahit sino na gawin yon,” sabi ni Social Welfare Secretary Corazon “Dinky” Soliman sa isang panayam sa telebisyon.
Idinagdag ni Soliman na malinaw itong kaso ng child abuse.

Samantala, sinabi naman ni Justice Secretary Leila de Lima na nakikipag-ugnayan na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa DSWD kaugnay ng isyu.
Tinawag pa ni de Lima na “heart wrenching” ang mga litrato.
“..If proven authentic, then we are looking at a case of gross child abuse which is punishable under RA 7610 (Anti-Child Abuse Law),” sabi ni de Lima.
Kinondena rin ng Commission Human Rights (CHR) ang litrato na naging viral, sa pagsasabing nagpapakita ito ng “worse form of child abuse.”

Nanawagan din si CHR executive director Marc Titus Cebreros sa DSWD na madaliin ang ginagawa nitong paghahanap sa umano’y nanay na sangkot sa child abuse.

“We call on the DSWD to expedite its effort to locate and identity the concerned child and his/her parents or relatives so that appropriate interventions can be implemented,” sabi ni Cebreros.
Kasabay nito, hinimok ni Cebreros ang mga indibidwal na nakakaalam ng pangyayari na lumantad at makipagtulungan sa DSWD at CHR.

“The Convention on the Rights of the Child to which we are a signatory as well as our local laws all point to the State’s obligation to protect children from all forms of abuses and human rights violations. In this light we shall be actively monitoring this case,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending