TUTUTUKAN ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) ang 10 mula sa paglalabanang kabuuang 29 sports sa isasagawang 2015 Philippine National Games (PNG) sa Hulyo 2.
Ayon kay PSC Games Secretariat Chief Atty. Maria Fe “Jay” Alano paglalabanan ngayong taon sa gaganaping tatlong qualifying legs ng PNG ang pangunahing 10 sports na kinabibilangan ng athletics, archery, badminton, boxing, chess, karatedo, billiards, wushu, swimming at taekwondo.
Ang 10 sports ay unang isasagawa sa Luzon qualifying leg simula sa Hulyo 2 hanggang 6 sa Maynila bago sundan ng Mindanao qualifying leg sa Pagadian City, Zamboanga Del Sur sa Setyembre 10 hanggang 14 at Visayas qualifying leg sa Antique sa Nobyembre 10 hanggang 14.
Ang mga mananalong atleta sa mga isasagawang qualifying leg ay makakapasok naman sa gagawing national finals sa susunod na taon kung saan nakataya ang mga posibleng puwesto sa national team.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.