Tagong relasyon dapat na bang ibandera? Paano kung kasal pa?
DEAR manang,
Good day sa iyo. Nakarelasyon ko ang bilas ko, asawa ng kapatid ng asawa ko. Nagmamahalan talaga kami. Three years na naming itinatago ang relasyon namin kasi takot kami sa asawa namin.
Gusto na naming magsama kaso baka magalit naman ang buong pamilya ng mga asawa namin pati mga anak. Ano ba talaga ang gagawin namin? Three years na rin kaming hiwalay sa mga asawa namin.
Fe, Dipolog City
Hello Fe!
Salamat sa pagbahagi mo sa amin ng iyong problema.
Una ay dapat mong ipagtapat sa iyong pamilya, sa talagang malalapit at mahahalagang tao sa buhay mo, ang situwasyong kinapapalooban mo ngayon.
Ipaliwanag na ang desisyon sa pag-ibig ay sa iyo, sa inyo at nais mo lang na igalang nila ito.
Be sincere. Sa tingin ko naman ay nasa tamang edad ka na at wala naman kayong pananagutan sa ibang tao so I vote for your happiness.
Life is short to keep true love a secret.
Kung tunay kayong nagmamahalan, mas magiging maalab at maginhawa ang buhay ninyo kung hindi n’yo ito itatago at palalayain n’yo ang inyong mga sarili. Go Fe! Go lang nang go!
Ang payo ng tropa
Hi Fe,
Magandang araw sa iyo. Mukhang super exciting ang iyong love life ha.
Una sa lahat, ipaalam mo muna sa malalapit at mahal mo sa buhay ang iyong problema. Para mas mapagaan ang iyong dinadalang problema kamo.
Ang mahalaga makapag-usap kayo nang dati mong asawa at magkalinawan kung ano na talaga ang status ninyong dalawa.
Sabi mo nga three years na kayong hiwalay. Medyo matagal-tagal na rin yun. Pero be sure na pagpapasok ka na sa bagong relasyon eh yun wala naman kayong taong masasaktan.
Dapat nasa ayos na ang lahat at malaya na ang bawat isa sa inyo ng dati mong asawa.
Wala naman akong nakikitang problema, kung talagang nagmamahalan kayong dalawa, pagbigyan nyo at enjoy ang bawa’t isa at ipagdasal nyo na lang ang magiging kahihinatnan ng inyong relasyon.
Ate Jenny
Hindi mo nasabi Fe kung kasal ka ba sa dati mong asawa at yung karelasyon mo ngayon ay kasal din ba sa kanyang ex?
Kung hindi kayo kasal, walang problema para hindi kayo magmahalan o magsama ng karelasyon mo ngayon.
Pero ibang usapin na kung ang relasyon ninyo sa inyong mga ex ay legal. Nangangahulugan kasi na meron pa kayong pananagutan sa inyong mga dating asawa, base sa ipinaiiral na batas.
Hindi lang ito usapin ng puso, kundi usapin din ito ng pananagutan sa batas.
Oo nga’t mahal ninyo ang isa’t isa, pero handa ba kayo sa maaari nin-yong suungin na problemang legal sa sandaling makasuhan kayo dahil sa ilegal na relasyon na meron kayo?
Dona P.
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or [email protected] o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.