BBL inaprubahan na ng house panel | Bandera

BBL inaprubahan na ng house panel

Leifbilly Begas - May 20, 2015 - 05:34 PM

bbl pix

Inaprubahan na ng House ad hoc committee ang panukalang Bangsamoro Basic Law kahapon.

Sa botong 50-17 at isang abstention, inaprubahan ang panukala matapos ang dalawang araw na pagtalakay kung alin sa mga bahagi nito ang papalitan.

Ipapasa naman ang panukala sa House committee on appropriations at on ways and means na magsasagawa ng joint hearing upang talakayin ang probisyon kaugnay ng pondo na ilalaan at ang polisiya kaugnay ng pagbubuwis.

Sinabi ng chairman ng ad hoc committee na si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na maaaring madala sa plenaryo ang kanilang ulat sa susunod na linggo.

Muling tatalakayin ang mga probisyon ng BBL sa plenaryo bago ito pagbotohan para sa ikalawang pagbasa.Plano ng Kamara de Representantes na mapagbotohan ito sa ikatlong pagbago bago ang pagsasara ng sesyon sa Hunyo at upang maiakyat ang kanilang bersyon sa Senado na nagsasagawa rin ng kaparehong pagdinig.

Samantala, nagbabala naman ang oposisyon sa mga kongresista sa Mindanao na maaaring mawala ang kanilang distrito dahil sa probisyon ng BBL na pumapayag na madagdagan ang teritoryo ng itatayong Bangamoro Region.

Sa ilalim ng inaprubahang BBL, maaaring magpatawag ng plebisito ang 10 porsyento ng isang lugar para mapasama sa Bangsamoro Region. Tinangkang ipabura ni Zamboanga City Rep. Celso Lobregat ang probisyong ito subalit natalo siya sa botohan.

Sinabi ni House minority leader at San Juan Rep. Ronaldo Zamora na nagbingi-bingihan ang mga kongresista sa mga pagbabagong hinihingi sa BBL.

“Regardless of the consequences, regardless of many warnings that we have been issuing, regardless of the arguments we have been saying, in the end they are not prepared to listen to what we have said,” ani Zamora.

30

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending