Rain or Shine kumpiyansang mananalo sa Dubai games
WALANG nakikitang problema si Rain Or Shine Elasto Painters coach Yeng Guiao sa magkasunod na laro na haharapin ng koponan sa PBA Governor’s Cup sa Dubai.
“This is character-building situation for us,” wika ni Guiao na ang koponan ay haharapin ang Globalport bukas bago sundan ng pakikipagtuos sa Barangay Ginebra sa Biyernes. Ang mga laro ay gagawin sa Al Shabab Al Arabi Club.
“There will be no holding back. We agreed to play back-to-back games here as part of our commitment to bring high level basketball entertainment to our OFWs. They can expect only the best effort from us.”
Ang Elastopainters at Batang Pier ay dumating sa Dubai noong Lunes upang magkaroon ng sapat na araw para mapaghanda sa mga laro.
Hindi pa nananalo ang Rain or Shine sa dalawang naunang laro kaya’t puwersado silang ilabas ang angking galing para manatiling palaban sa titulo sa ikatlo at huling conference ng PBA.
“We can’t resist our fans here. They simply love the PBA,’’ wika ni PBA commissioner Chito Salud. Ito na ang ikaapat na pagkakataon na maglalaro ang PBA sa Dubai at inaasahang dudumugin ng mga overseas Filipino workers (OFW) ang mga laro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.