Inaaya na ng BF na mag-sex (2) | Bandera

Inaaya na ng BF na mag-sex (2)

Joseph Greenfield - May 20, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay  Ms. Libra ng Buhangin,  Davao City

Problema:

1. May boyfriend ako sa ngayon at inaaya na niya akong mag-sex kami kasi daw ay mahal na mahal niya ako at malapit na daw siyang mag-abroad. May pangako din siyang pagbabalik daw niya galing abroad ay magpapakasal na kami.

2. Ang gusto ko ngayong malaman, Sir Greenfield, ay kung dapat ba akong magtiwala sa kanya na papakasalan niya ako sa oras na makabalik siyang galing sa abroad?

3. Ang sabi pa kasi niya sa akin ay malapit na raw siyang umalis, kundi raw May ay sa June sa taon ding ito, kaya bago daw siya umalis ay mag-sex na kami.

4. Ang isa ko pang tanong ay kung makakaalis na kaya siya at kami na kaya ang magkakatuluyan? Tapat kaya siya sa akin at ako lang kaya talaga ang kanyang babae na minamahal at papakasalan? October 7, 1991 ang birthday ko.
Umaasa,
Ms. Libra ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:

Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2) ang nagsasabing kung ang boyfriend mo ay isang Aquarius o kaya’y Leo tiyak ang magaganap— kayo na nga ang magkakatuluyan.

Numerology:

Ang birth date mong 7 ay nagsasabing may biglang suwerteng darating sa iyong buhay sa taong ito ng 2015 hanggang 2017 na may kaugnayan sa salapi at pag-ibig. Kung saan, dagdag dito kung ang boyfriend mo naman ay isinilang sa petsang 4, 13, 22 o kaya’y 31, tiyak ang magaganap, kayo na nga ang magkakatuluyan.

Luscher Color Test:

Lagi kang gumamit ng kulay na pula at berde upang lalong gumanda at laging pumabor sa iyo ang kapalaran na may kaugnayan sa materyal na bagay at sa pag-ibig.

Huling payo at paalala:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ms. Libra, dapat lang na maniwala ka sa mga sinasabi at ipinapangako ng iyong boyfriend ngunit hindi mo naman dapat ibigay sa kanya nang basta-basta na lang ang iyong pagkababae. Sa halip, siguraduhin mo munang kasal na kayo bago ka bumigay. Ganoon paman, ano’t-anuman ang mangyari, ayon sa iyong kapalaran, siya na ang nakatakda mong mapangasawa at makasama habang buhay sa pagbuo ng isang masaya at panghabambuhay na pamilya na nakatakdang mangyari sa taong 2018 sa buwan ng Mayo o kaya’y Setyembre sa edad mong 27 pataas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending