Drilon ipinag-utos na ang pag-aresto sa 14 na indibidwal
Lisa Soriano - Bandera May 19, 2015 - 05:58 PM
NILAGDAAN na ni Sen Pres Franklin Drilon ang pag aresto at pagpapakulong laban sa 14 na inidbidwal na ipina contempt ng blue ribbon comm.makaraang isnabin ang imbeatigasyon ng Senado sa anomalya kaugnay sa kontruksyon ng Makati City hall parking building
“I have signed today the order of arrest and detention against 14 individuals for their repeated refusal to appear before the committee investigating the questionable transactions involving the construction of various government projects, which allegedly involved Vice President Jejomar Binay and Makati City Mayor Junjun Binay,” Pahayag ni DRilon
Ang 14 na indibidwal ay ipinaaresto na at ididitine sa Senate sgt at arms makaraang mabigong humarap at magbigay ng testimonya sa Senate blue ribbon sub committee na nag iimbestiga sa overpricing na makati city hall parking building
Napakahalaga aniya na kilalanin o respetuhin ng kapangyarihan ng Senado bilang institusyon sa mga ginagawa nitong pagdinig at pagtalima ng mga resource persons sa subpoena na ipinapalabas ng mataas na kapulungan
Dagdag pa ni Drilon na ginagawa lamang ng mga Senador ang kanilang trabaho sa mga imbestigasyon nito.
Kabilang sa mga ipinaaaresto at ipapakulong ay sina:
1. Aida F. Alcantara
2. Danilo Villas
3. Vissia Marie Aldon
4. Kim Tun S. Chong
5. Imee S. Chong
6. Irene S. Chong
7. Hirene U. Lopez
8. Kimsfer S. Chong
9. Erlinda S. Chong
10. Irish S. Chong
11. Gerardo S.Limlingan Jr.
12. Antonio L. Tiu
13. James L. Tiu
14. Anne Lorraine Buencamino-Tiu
Kinakailangang maisilbi ng Sgt at arms ang arrest order sa loob ng 24 na oras
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending