100 pamilya apektado sa panibagong sunog sa Valenzuela
UMABOT ng 100 pamilya ang apektado sa panibagong sunog sa Valenzuela City noong Sabado ng hatinggabi.Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nangyari ang sunog sa Pinagpala st., Lower Tamaraw, Marulas, Valenzuela City.
Umabot sa ika-5 alarma ang sunog na nangyari ganap alas-11:09 ng gabi kamakalawa. Naapula naman ang sunog ganap na alas-12:07 ng umaga kahapon.
Ganap na alas-2 ng umaga, sinabi ni Mayor Rex Gatchalian sa opisyal Facebook account ng Valenzuela City, na tinatayang 45 pamilya ang inilikas sa Serrano Elementary School.
Wala namang nasaktan sa sunog.Nangyari ang panibagong sunog ilang araw matapos naman ang malagim na sunog na tumupok sa pagbrika ng tsinelas sa Barangay Ugong, Valenzuela City, na pag-aari ng Kentex Manufacturing, kung saan tinatayang 72 mga empleyado ang namatay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.