Susuwertehin sa negosyong tindahan | Bandera

Susuwertehin sa negosyong tindahan

Joseph Greenfield - May 15, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Deserie ng Ginsangan, Sto.  Nino, Cotabato

Dear Sir Greenfield,

Kabababa lang ng mister ko galing barko, seaman kasi ang kanyang trabaho. Pero ayaw o tinatamad na raw siyang sumakay uli kaya iniisip namin na magtayo ng tindahan.
May naipon naman siyang pera kahit na paano at ito ang binabalak naming ipuhunan sa naiisip naming negosyong tindahan. Itatanong ko lang po kung masuwerte ba sa aming mag-asawa ang negosyong tinadahan? October 23, 1980 ang birthday ko at June 14, 1978 naman ang mister ko.

Umaasa,
Deserie ng Sto. Nino, South Cotabato
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Kapansin-pansing kapwa naman nagtataglay ng malinaw at magandang Business Line (Illustration 1-1 arrow 1.) ang kaliwa at kanang palad ninyong mag-asawa. Ibig sabihin, kapag nagsimula kayo ng negosyong tindahan at nagsama kayo sa nasabing negosyo, tiyak ang magaganap – magki-click ang inyong negosyong tindahan hanggang sa tuloy-tuloy na kayong umunlad at yumaman.

Cartomancy:
Queen of Diamonds, King of Clubs at King of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa sandaling lagi kayong magkasama ni mister o nagtutulungan kayong magsinop ng iyong negosyong tindahan, mabilis ang magaganap, sa taong 2016 sa edad mong 36 pataas at 38 naman si mister, magsisimula na kayong umunlad hanggang sa tuluyang yumaman.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending