Halikan nina Rhian at Glaiza bitin | Bandera

Halikan nina Rhian at Glaiza bitin

Ervin Santiago - May 14, 2015 - 02:00 AM

rhian ramos

HINDI naiwasan nina Rhian Ramos at Glaiza de Castro na makaramdam ng kaba sa pagsisimula ng The Rich Man’s Daughter nitong Lunes kung saan pilot episode pa lang ay napakarami ng naging revelations sa kuwento, kabilang na nga ang muntik-muntikan nang paghahalikan nina Rhian at Glaiza.

“Lagi naman pong may kaba sa pagsisimula ng show. Pero feeling ko naman tatanggapin ng tao yung programa, since nakatulong ang My Husband’s Lover para mas mag-open up yung audience to receive a love that is somehow unconventional.” ani Glaiza.

“I think the country is ready for a show like this,” dagdag pa ni Rhian. Pareho mang kinabahan, hindi rin naman daw nawala ang kanilang excitement. “Excited kami dahil matagal naming pinagtuunan talaga ng pansin ito.

Kumbaga ang daming nangyari bago ito finally maipalabas and excited kami kung anong magiging outcome,” kuwento ni Glaiza.“We spent almost everyday working on it kaya sobrang excited kami to see it.

Hindi pa kasi talaga namin napapanood, kahit playback,” pag-amin naman ni Rhian. Sundan ang kapana-panabik na eksena ng dalawang aktres sa The Rich Man’s Daughter pagkatapos ng Let the Love Begin sa GMA Telebabad.

Tiyak na hindi rin patatalbog ang karakter ng magaling na kontrabida ng Kapuso network na si Chynna Ortaleza sa The Rich Mans Daighter. For the first time ay gaganap siyang tibo sa isang serye – bilang si Batchi Luna.

Bago man para sa Kapuso actress ang ganitong klaseng role, hindi naman daw ito nakahadlang para ma-enjoy niya ang kanyang karakter bilang isang “butch.”

Lalo nga raw siyang naging “into” sa karakter niya dahil sa kanyang pagre-research kaya naman mas lalo siyang naging eager to explore kung hanggang saan ang makakaya niyang gawin para kay Batchi at sa future lesbian roles na makukuha niya, kung sakali man.

Inamin din ni Chynna na willing siya to do an intimate scene with another girl. Paliwanag niya, “I’m an actor, I do everything. Of course, I will look at the material…kung ang proyekto ay magbubukas ng consciousness at maganda siya at makakatulong siya sa karamihan, gagawin ko yun kasi as an actor, meron akong deep purpose sa pagbukas ng kamalayan.”

Samantala, wala namang masasabing masama si Pauleen Luna kay Rhian Ramos na siyang pumalit kay Primetime Queen Marian Rivera bilang Jade Tanchingco sa The Rich Man’s Daughter.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“They are equally good. Rhian is very good. She’s very professional kahit na bigla lang siya [pinasok dito], wala siya masyadong preparation with this one,” ani Poleng.

Gumaganap bilang Pearl Sy-Tanchingco si Pauleen. Siya ang asawa ni Gabriel Tanchingco (TJ Trinidad) na kapatid ni Jade. Isa si Pearl sa mga magiging kontrabida sa buhay ni Jade dulot ng matinding selos sa atensyong nakukuha ni Jade mula sa kanyang pamilya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending